Abante Tonite Interactive

Maine may hirit para kina Alden at Juancho

By
3,335

FEELING ng ilang netizens ay may kinalaman kay Juancho Trivino ‘yung tweet ni Maine Mendoza nu’ng Lunes.

May hirit kasi si Maine sa Twitter na, “It’s just crazy and sad how some people turn out to be unkind and cruel to others. Can we please stop putting other people down? Support who you love; there is no need to degrade and belittle those you do not like/hate.”

Umalma ang ibang fans dahil tila dinedepensahan daw ni Maine si Juancho, na na-bash na naman nang todo dahil nakita itong kasama ni Meng na nanood ng LANY concert last week.

Obvious na si Alden Richards daw ang tinutukoy ni Maine doon sa ‘support who you love’ at si Juancho naman ‘yung ‘don’t belittle those you hate.’

Dayalog ng isang netizen, ginawa ito noon ni Maine kay Sef Cadayona, tapos kay Jake Ejercito, at ngayon naman ay kay Juancho.

“Bravo! You are indeed consistent to your friends! Props to you for standing up to those people that matter!” ang sarcastic na comment nito.

Mas marami ang kumontra na patungkol kay Juancho ang naturang tweet. Sinasabi lang daw ni Maine kung anong dapat gawin ng fans, na lawakan ang pag-iisip. Para sa kabutihan daw ito ng lahat at hindi depensa kaninuman.

Kahit may mga naimbiyernang AlDub fans sa recent sighting kina Maine at Juancho, mas marami pa rin ang nag-tweet kay Meng na suportado nila ito.

Ang sabi ng netizens, bilib sila kay Maine na hindi ito pumapatol sa ha­ters at positive pa rin ito kahit napakaraming nega at makikitid ang isip. Kaya raw mahal nila ang dalaga.

Last Sunday ay nag-beach si Menggay, na post birthday treat pala sa kanya ng Eat Bulaga tropa at ka-close niyang si Pat Plaza.

May pa-swimsuit pang post sa Instagram ang water baby na si Maine at ang daming pumuri sa kanyang sexy summer body.

Jenine inurot sina Elmo at Janella?

NALAGYAN ng malisya ang IG post ni Jenine Desiderio na kasama nito sa picture si Janine Gutierrez.

“Work mode. Jenine x Janine,” ang caption ni Jenine sa nasabing pic, na ang komento ng ilang fans ay tila nananadya ang singer-actress.

Ang lakas daw mang-inis ni Jenine dahil ex-boyfriend ni Janine si Elmo Magalona, na current BF ng anak nito na si Janella Salvador.

May mga na-curious kung ano kayang pinag-usapan nina Janine at Jenine.

Comment ng ilang Janine fans, walang issue at all sa Kapuso actress dahil happy ito with Rayver Cruz at matagal nang naka-move on sa breakup nito with Elmo.

Ewan lang daw nila sa madir ni Janella, na la­ging nine-nega ang anak.

In fairness ay may nagtanggol din kay Jenine at sinabing hindi naman siguro ito nananadya.

Trabaho lang daw ‘yon at kailangan ni Jenine ng work, so walang isyu kung may picture man ito with Janine.

Posibleng nakita na nina Janella at Elmo ang nasabing pic dahil pareho nilang pina-follow si Je­nine sa IG.

Dumating na pala ang ElNella nung Sunday ga­ling sa kanilang US vacation.

Ryan at Juday magtatampisaw sa Italy

KAHAPON ang 39th birthday ni Ryan Agoncillo at the night before ay may pa-surprise birthday party sa kanya ang misis na si Judy Ann Santos.

Sa Mecha Uma sa BGC ang party, na ang paboritong chef mismo ni Ryan ang nag-prepare ng favo­rite sushi ng birthday boy.

May binigay na framed photo si Juday kay Ryan, pero ang sabi sa amin ay isa lang ‘yon sa birthday gifts ni Juds sa kanyang hubby.

Paalis this weekend ang mag-asawa papuntang Italy. Wedding anniversary nila sa April 28 at ugali nilang magbakasyon ‘pag mga ganitong panahon.

40th birthday naman ni Juday sa May 11 at ang dinig namin ay may bonggang paandar si Ryan para sa kanyang wifey.

Prelude daw ang nasabing Italy trip sa mga inihandang pasorpresa ni Rye para kay Juday.