Abante Tonite Interactive

Maine pasabog ni Coco

4,689

Pasok nga ba sa 2018 Metro Manila Film Festival sina Dingdong Dantes at Maine Mendoza? Ayon sa aming source, hindi pa nagtatapos doon sa official announcement ng MMFF committee ang bubuo sa cast ng dalawang malalaking entries this year.

Ang fantasy-comedy entry ni Vice Ganda na ‘Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya’ ay sina Maris Racal, Loisa Andalio at Maymay Entrata lang ang nakasulat sa cast.

Kung si Vice ang Princess, nasaan ang gaganap na Prince? Dito raw papasok si Dingdong Dantes para may 2nd wave of pasabog ang pelikula.

Abante Hiring – IT dep

Abangan natin ang ­announcement na ‘yon, na in fairness ay ang dami na agad ang na-excite nang una naming isulat dito na pagtatambalin ang ViceDong ng ABS-CBN Productions, Inc. at Viva Films.

Hindi na ‘The Greatest Syokla’ ang pamagat gaya ng naibalita namin, pero obvious na inspired pa rin ito ng ‘The Greatest Showman’ kaya perya ang setting ng movie.

May nagtsika sa amin ng rason kung bakit hindi na si Bb. Joyce Bernal ang kinuhang direktor ni Vice, pero kukumpirmahin pa namin kung totoo ito.

Ang baguhang direktor na si Barry Gonzalez na nagdirek ng floptsinang ‘FanGirl/Fanboy’ movie nina Ella Cruz & Julian Trono ang napiling magdirek ng ‘Fantastica’.

Dagdag pa ng aming source, si Maine Mendoza naman ang magiging pasabog ng ‘Popoy En Jack: The Puliscredibles’, ang action-comedy entry nina Vic Sotto at Coco Martin.

Matagal na naming naririnig na gustong makatrabaho ni Coco si Maine at sa wakas ay mangyayari na ‘yon sa darating na MMFF.

Wagi rito si Maine, na lalong tataas ang premium dahil makakapareha niya sa big screen ang undisputed Primetime King ng Kapamilya network.

Sa isang tweet ng Universal Records (kung saan nakatakdang gumawa ng music album si Maine) ay ibinalita rin nilang kasama si Meng sa Vic-Coco filmfest entry.

Si Coco a.k.a. Rodel Nacianceno ang magdidirek ng ‘Puliscredibles’ under MZet Productions, APT Entertainment at CCM Film Productions.

Sana ay mas maging incredible ang resulta nito sa takilya kesa sa directorial debut niya na ‘Ang Panday’ last year!

Sofia, shotgun ang katapat ng manliligaw

Nasaksihan namin kung paano naghiyawan at nag-enjoy ang mga Taclobanon sa live performance ni Sofia Gonzalez Romualdez sa Sangyawan Music Festival nu’ng Wednesday night.

All new songs na lahat original compositions niya ang inawit ng 19-anyos na dalaga nina Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez at dating Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Ang sexy ni Sofia sa suot niyang red cropped top na litaw ang abs habang nagsi-sing and dance siya, na may part pa na nag-rap siya.

Pawang magaganda ang 5 songs na inawit niya na ‘Radar’, ‘Rush’, ‘Dance Hall’, ‘Ocean Views’, ‘Thinkin’ Of U’ at ‘Pikit Mata’.

Si Sofia pala mismo ang nagdirek ng kanyang mini concert at inamin sa amin ng tisay na dalaga na isa siyang perfectionist.

In fairness ay sobrang confident na siya while performing and she rea­lly works the stage. May rapport din siya sa audience, na bumababa pa siya ng entablado para makipagkamay sa mga ito.

Nang matsika namin si Sofia, natawa ito nang usisain namin kung open na ba siyang tumanggap ng manliligaw.

“I don’t even have sui­tors,” natatawang sagot ng gandarang bagets.

Aliw din kami sa tanong niya na, “Ligaw? People still do that? I don’t know! Ha! Ha! Ha!”

Natatawang hirit niya, baka raw ‘pag may gumawa no’n ay hindi papasukin ng dad niya at kumuha ito ng shotgun, tapos ay sisigaw ng, “Get out of my house!”

About her mom Cristina, ang ganda nu’ng linya ni Sofia na, “She doesn’t make me sakal,” kaya okey ang relasyon nilang dalawa.

Hindi masyadong ma-post sa social media si Sofia, but she told us na she’s trying to be healthy at nagdyi-gym siya dahil aware siya sa mga body shaming online.

Patapos pa lang ng high school ang talented Viva Records artist. Sa college ay gusto niya raw ng real school at pangarap niyang mag-Berklee College of Music sa Amerika.

Si Mayora Cristina ay picture of a very proud mom, lalo na nu’ng makita niyang nagri-reach out si Sofia sa mga tao at inaabot ang kamay ng mga ito habang nagpe-perform for the Taclobanons.