Abante Tonite Interactive

Maine pinakawalan ni Alden kay Coco

By
2,628

Mabilis ang sagot ni Alden Richards na, “Hopefully po, para maiba naman,” nang matanong siya kung bibigyan na ba niya ng panahon ang kanyang lovelife.

Nakangiting pakli ng bida ng ‘Victor Magtanggol’, “This year po, hopefully. Kailangan na po sigurong bigyan ng time.”

At sana raw ay hindi na maging malamig ang Christmas niya.

Sey pa ng Pambansang Bae, he’s not closing his doors to be romantically involved with his co-stars, pero hindi rin niya sinasara ang posibilidad na mainlab siya sa isang hindi taga-showbiz.

Aware si Alden na laging nakabantay sa kanya ang mga basher at kahit sino na lang ang madikit sa kanya ay binibigyan ng malisya.

Katwiran niya, tuloy pa rin ang buhay at kahit ano pang sabihin ng mga tao ay siya pa rin ang may desisyon kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya.

Bale tatlo ang leadin­g lady niya sa ‘Victor Magtanggol’, sina Janine Gutierrez, Andrea Torres at Reese Tuazon. Sina Janine at Reese ay may boyfriend. Si Andrea, ang alam namin ay may dine-date, so parang out of the question ang tatlo.

Focus muna ngayon si Alden sa kanyang telefantasya at maging sila ni Maine Mendoza ay kanya-kanya muna para makapag-explore daw sila individually.

Nagkikita pa rin naman daw sila ni Maine sa ‘Eat Bulaga’ at kahit busy raw si Tisoy sa taping ng ‘VM’ ay hindi niya iiwan ang ‘EB’.

Siniguro rin ni Alden na may movie pa silang gagawin ni Meng at wish niyang makapag-guest ito at ang Tito, Vic & Joey sa ‘Victor Magtanggol’.

Makakatapat ni Alden ang teleserye ni Coco Martin, habang si Maine naman ay kapareha ni Coco sa pelikula nitong pampestibal.

Okey lang daw ‘yon at walang problema kay Alden. Trabaho lang ito at open siya sa idea na bilang aktres ay kailangan din ni Maine na maipareha sa ibang artista.

Kita kay Alden na iba ang excitement at fulfillment niya sa bago niyang Kapuso primetime series na magsisimula ngayong gabi after ’24 Oras’.

Hindi lang kasi siya bida rito kundi binigyan din siya ng chance ng GMA na maging part ng creative team ng ‘Victor Magtanggol’ at base sa sagot ni Alden ay mukhang papunta rin siya sa pagdidirek someday.