Abante Tonite Interactive

Maine pinintasang ‘di magaling kumanta

By
6,979

Naging nakakaaliw na thread ‘yung random rainy day thought ni Maine Mendoza kahapon na, “Nakaka-miss mag-aral”.

Tila na-senti si Menggay sa tag-ulan at naalala niya bigla ‘yung estudyante days niya.

Bad trip daw, pero nakaka-miss ang bumiyahe nang malayo papuntang school, tapos pagdating doon ay saka lang isu-suspend ang klase.

Nami-miss niya na ring lumusob sa baha nang naka-uniform, miss niyang magpa-cute sa crush niya sa hallway kahit hindi naman siya kilala, at may tip pa si Meng kung paano magpa-cute sa crush.

Miss na rin daw ni Maine ang Taft at ‘pag nadadaan siya roon ay naiiyak siya. Charot. Miss niya ang dati niyang school na College of St. Benilde kaya lagi niya raw itong idyu-joke sa ‘Sugod Bahay’ sa ‘Eat Bulaga’.

Kuwela rin ‘yung hirit ni Meng na, “Jumebs ka sa upuan tapos sisihin mo siya,” sa nagtanong kung anong gagawin ‘pag natatae, pero ang sabi ni teacher ay bawal tumayo.

Mensahe niya sa mga esudyante, “I-enjoy n’yo lang ang pag-aaral at pagpasok sa iskul! Ba­lang araw mami-miss n’yo rin ‘yan. Mag-enjoy kayo, huwag masyado petiks!”
May balitang soon ay papasukin na rin ni Maine ang recording at pumirma na raw ito sa Universal Records.

Hula ng mga netizen ay siya ‘yung girl na nakatalikod sa pinost na pic sa UR Instagram account na ang caption lang ay “Soon”.

May mga nag-nega agad na hindi naman magaling kumanta si Maine, pero mas marami ang natuwa at exci­ted na raw silang bilhin ang record nito.

Sanya showgirl ang peg

Kasabay ng pagdiriwang ng Phi­lippine Independence Day ang yearly fashion event na Mega Millennial Ball nu’ng Martes sa Marquis Events Place sa BGC.

Nangabog sa parada ng mga gown ang mga beauty queens na sina Megan Young, Teresita ‘Winwyn’ Marquez at Kylie Versoza.

Ang seseksi ng dalawang Kapuso star, na si Megan ay Boom Sason ang suot at si Wyn naman ay Robin Gundran.

Kabogera rin si Lovi Poe sa kanyang sexy, black see through dress, habang si Gabbi Garcia ay may pasilip ng tagiliran.

Super-sexy rin si Coleen Garcia sa suot nitong custom Rosenthal Tee, na ang baba ng neckline at litaw ang sides. Escort ni Coleen ang mister na si Billy Crawford.

Naglaban din si Barbie Imperial na kasama si JM de Guzman nu’ng gabing ‘yon, pati na si Maris Racal na Egyptian beauty ang peg.

Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Vice Ganda na may paaninag ng matambok nitong puwet sa sequined bodysuit ni Jaz Cerezo under a sheer gown ni Paul Cabral.

May mga pumuri pero meron ding hindi bet ang suot na black Furne Amato dress ni Maymay Entrata dahil nagmukha raw itong matanda.

Ganundin si Kisses Delavin, hati rin ang nagkagusto sa Francis Libiran outfit nito.

Ang ganda ni Arra San Agustin that night, pero hindi kami sure kung flattering ba ang gown niya na gawa ni Bessie Besana.

Si Sanya Lopez ay nagmukhang showgirl sa Jaz Cerezo outfit nitong white swimsuit ang da­ting.

Si Bela Padilla ay pasok din sa ‘worst dressed’ list dahil hindi pang-ball ang suot nitong H&M dress.

May mga hindi bet ang Francis Libiran gown ni Janella Salvador, habang si Claudine Barretto ay umani na naman ng mga hindi kaaya-ayang komento sa itsura nito sa Mega Millennial Ball 2018.