Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine proud dyowa ni Arjo

0 118

Proud girlfriend si Maine Mendoza sa nobyong si Arjo Atayde for winning the Best Actor in a Leading Role award sa Asian Academy Creative Awards 2020 para sa pinagbidahan nitong iWant series na Bagman.

Sa kanyang Instagram Story ay binati ni Maine ang BF at aniya ay iba raw talaga si Arjo. Biniro pa niya ito kung pwedeng magpa-fansign.

“Not surprised at all. Iba talaga yung Arjo. Congrats, @arjoatayde! (Pwede pa-fansign?)” ang post ni Maine.

Sinagot naman ito sa pamamagitan din ng IG Story. Inirepost niya ang pagbati ni Maine sa kanya at sinagot din ng pabiro ang “fansign” comment nito.

SM food to go Banner Ad

“Pag nagkita tayo ha? Labas mo phone mo.. no problem! Hahahahahha” ang bungad ni Arjo.

Ang sweet ng kasunod na linya ng aktor dahil inalay niya ang award sa GF at nagpasalamat din siya rito with matching bonggang “I love you.”

“This ones for you.. thank you bubs.. to my inspiration.. I love you super kaduper much,” mensahe ni Arjo kay Maine.

Officially ay nagpasalamat din si Arjo sa kanyang separate IG post para sa nasabing award and revealed na muntik na raw siyang mag-quit sa pag-arte dahil sa rami ng mga nangyari this year.

“Considering everything that has gone on this year, I was honestly close to giving up this craft I’m passionate about. But I’m taking this as a sign that things happen for a reason and what’s meant to be will be. This recognition is mine as much as it is of all the people who made this possible,” ang bahagi ng post ni Arjo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.