Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine sablay ang wish kay Alden

0 476

Sinsero nga ba o plastikada lang ang Philippine Sweetheart Maine Mendoza sa Asian Multi-Media Star Alden Richards?

Sa true lang, parang may bitter after taste ang kanyang hiling na sana “magka-lovelife” na si Richard sa lalong madaling panahon.

So, porke ba may lalaki ka na in the person of Arjo Atayde dapat si Faulkerson Jr., magkarelasyon na agad? Sa pakiwari mo ba Menggay eh hungkag at may kulang sa buhay ang iyong one time, big time phenomenal partner porke wala itong kasintahan like you na here, there, and everywhere pinangangalandakan ang status of her happy relationship?

Ning, ang dami mo namang pwedeng i-wish kay Alden, lovelife lang ba talaga sa iyong tingin ang be all and end all niya?

Puwede mo namang i-wish na i-broaden pa nito ang kanyang acting choices and do more career defining roles?

SM food to go Banner Ad

Mas panalo rin ang wish for him to have more hit songs para mas maraming tao ang may love anthems na inspiring at nagpapakilig.

Waging-wagi lalo kung ang eme mo ay you wish Alden to further challenge his acting prowess by doing theater, learning to write a screenplay or kaya mag-aral ng direction.

My gosh, jowa lang talaga ang gusto mong magkaroon ang binatang best in biloy? Alam ko namang matalino at mayaman ka Bb. Mendoza kaya sorry na lang ang diva that you love na disappointing ang wish mo for Alden.

Of course, your fans will defend that you meant well, at wala namang masama for Alden na magka-jowa na, pero seriously, sa tingin mo walang mga dahilan si Richards why he keeps his romantic heart at bay?

Sigurado namang alam ni Alden Richards na may tamang panahon para sa pagmamahal kaya ‘yang ganiyang wish, mas mainam siguro na kinagat mo na lang ang labi mong makapal hanggang sa dumugo kesa ipamukha mo sa kapareha mo na parang may kakulangan sa buhay niya. (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.