Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine sinopla mga basher ni Arjo : Wala kayong alam!

0 347

Ipinagtanggol ni Maine Mendoza ang boyfriend na si Arjo Atayde kaugnay sa isyu ng pag-alis nito sa Baguio City . Nagbiyahe siya pa-Maynila sa kabila na positibo siya sa coronavirus.

Sinagot ni Maine ang isang netizen nang sabihing:

“Ayaw kong maniwala na kaya mong itolerate ang mali, na mas pabor sayo ang ginawa ni atayde kesa sa safety ng maraming tao. Hindi isang Maine Mendoza yun.”

Ani Maine sa naturang netizen, hindi niya kinukunsinti si Arjo ngunit marami pa itong hindi alam sa totoong nangyari.

Huwag naman daw sanang husgahan si Arjo base sa mga nababasa online.

Sana rin aniya ay magkaroon ng tsansa ang aktor na mailahad ang kanyang panig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hello! I am not “tolerating” him but there’s just so much you do not know about the story. And I hope he gets the chance to tell his side and the context of what had happened these past few days. I also hope you do not base your judgments solely on what you see online.

“..because you might just be seeing an angle of the real scenario,” reaksyon ni Maine.

Nagpositibo sa coronavirus si Arjo at siyam pang kasama nito na nag-shooting sa Baguio City noong August 16.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, iimbestigahan umano nila ang posibleng paglabag sa protocol at hindi pagsunod ng crew ni Arjo sa mga alituntunin ng kanilang “taping bubble”.

Ani Magalong, agad umuwi si Arjo sa Maynila bago lumabas ang resulta ng kanyang swab test.

Samantala, sa inilabas na pahayag ng kampo ni Arjo, mataas umano ang lagnat ng aktor, masakit ang ulo at hirap sa paghinga kaya agad itong umalis sa Baguio para magpaospital sa Maynila. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.