Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine suwerte kay Arjo

0 1,146

Ang kakarampot pang AlDub Fanatics, nag-walling and crying like banshees na ba? Why kaniyo? Kasi naman ayaw paawat ang photo postings nina Philippine Sweetheart Maine Mendoza at dramatic actor who just won an international recognition Arjo Atayde.

Sa IG page kasi ni Menggay, bilang pagbati niya para sa kasintahang best in biloy rin naman, may photo collage sila kung saan captured ang various states of their lovey dovey and sweetness.

Panalong-panalo ang collage dahil talagang pinangangalandakan sa mga larawan na Mendoza and Atayde are not only a loving couple, fun and may kulit side sila. Hindi sila stiff. Alam nila ang kahulugan ng salitang spontaneity and they know how to employ it kaya mas lalong nagiging saccharine ang state of their romance.

Juice colored! Sa pangmalakasang photo collage, ang AlDub fanatics na hindi pa rin nagpapalupig ang pag-asa, na pikit mata pa rin at ayaw hubarin ang ilusyon helmet, ewan ko na lang kung hindi kayo naluray sa inyong mga nasaksihan.

Tigil na ang pananalig na bandang huli, sina Alden Richards at Nicomaine pa rin ang magkakatuluyan. At the rate things are going for Mendoza and Atayde, parang isang kandirit, kendeng at kembot pa, eh here comes the bride, all dress in white na ang susunod na kaganapan.

At hindi pwedeng ikaila na lucky charm ni Arjo ang Dub Smash Princess dahil ang pinanalunan nitong international acting trophy, hindi pwedeng pagtaasan ng kilay kasi nga aktingan ang labanan versus all the best actors in Asia at siya pa ang nag-viktoria.

Kaya sa mga bulag, pipi at bingi pa rin sa katotohanang walang himalang mangyayari pa sa one time, big time phenomenal love team that was AlDub, mamili na lang kayo kung team Alden or team Mendoza ang gusto niyo pang mahalin at suportahan.

Sharon ‘wag sukuan si KC

Kung ayaw ni Sharon Cuneta na kinekwestiyon ang pagiging “mabuting nanay” niya sa panganay niyang si KC Concepcion, all she needs to do is to ZIP IT. Her lips must be sealed all the time. Dapat matutuhan niya ang art of deadma. At dapat rin busy ang fingers niya in clicking the block button.

Tumahimik. Less kuda, lesser mistakes. Wala dapat hanash at engagement sa mga dalahira, katkatera at mang-uurat na talamng ini-enjoy ang engagement by no less than a Megastar who explains her side with kilometric senteces na mostly in the King’s language kaya ang mga hoi polloi na fictitious naman ang identities at wala pang profile photos, mas lalong hindi siya maintindihan.

Ni hindi niya dapat patunayan sa mga ito na she did her best as a mom. She does not even need others to recite how great she is as a mom to her eldest. Hayaan niyang ang Diyos at ang Sansinukob ang mga maging saksi sa kanyang mga naging sakripisyo at kung ano kadakila ang pagmamahal niya para kay Kristina.

Kasi every time she speaks her version of truth about it, kahit saan anggulo tingnan, bilangan ng mga ginawa versus sa mga hindi ginawa ang dating. And social media, must never be the medium to address the invisible war they are obviously waging.

Ikaw ang nanay Sharon, kung talagang gusto mong maging maayos kayo ni Kristina, reach out to her, hindi lang sa text. Make an appointment if necessary and whatever are you issues from the past, the present and even the future, sa pribado niya pag-usapan.

Hindi mo siya dapat sukuan kasi anak mo siya. Hindi puwedeng bakit dapat laging ako ang maunang sumuyo at bakit kailangang dapat mas malawak ang pang-unawa ko? At mas lalong hindi pwedeng hindi niyo naman alam ang mga naging sakripisyo ko para sa kanya tapos siya pa ang kinakampihan niyo eh ginaganito na nga niya ako?

Hindi ka bata. Hindi issue kung sino ang nasa katwiran o nasa hulog. Ang issue dito, ikaw ang nanay. Si KC ang anak. At ang isa pa ring issue rito, HUWAG MO NA PATULAN PA ang mga basher mo tungkol dito.

Sa true lang parang sirang cassette tape na. Vinyl record na wasak. Baby grand piano na sintunado. Nakakahikab na, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.