Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine ‘tagasalo’ ni Sarah

0 1,146

Totoo nga kaya ang chika na dapat si Sarah Geronimo ang host ng pinakabagong boy band competition sa telebisyon?

Kung hindi ito akala lamang o kaya ay haka-haka, ibig sabihin ba nito na ang Philippine Sweetheart Maine Mendoza ay tagasalo lamang ni Mrs. Gianmatteo Vittorio Guidicelli? Ano ito?

Ang nakakataka pa at nakakahibang sa bagong contest na ito, hahanapin niyo ang next P Pop idols eh alam na alam niyo naman na may resistance na pangmalakasan sa mga sing and dance Pinoy talent?

Mas mainam, kesa tunggalian para malaman kung sino ang magagaling, ano ba naman na isang musical variety show o kaya ay musical specials na nagtatampok sa SB19, BGYO at Agimat na sa kasalukuyan eh talagang winawagayway na ang yabang Pinoy flag at musika natin sa buong mundo?

Hindi natin kailangan ng bagong mga iidolo dahil kailangan pa na mas patatagin ang PPop musical genre sa kasalukuyan.

Ang palagiang nagpapa-trend kay Nicomaine sa Twitter, sana may panahon kayo at may telebisyon sa inyong mga bagay para naman mapanood niyo ang kanyang bagong inilalako. Panahon na para ipakita niyong hindi lang kayo sa mga social media site maiingay.

Kung sakit na sakit kayo kapag ipinamumukha kay Maine na sa Twitter na lang siya nararamdaman, ngayon ipakita niyo ang fuerza niya at make sure na double digits na 20point something pataas ang ratings ng palatuntunang ito or else, lalabas na kahiya-hiya kayo.

Natsismis na ngang second choice umano si Maine tapos pababayaan niyo pang maging talunan at walang manood sa show niya? How could you do this to the Philippine Sweetheart? Huwag ganoon. Huwag niyong patunayan na ang budget niyo, pang-piso net lang pala, huh!

SM SuperKidsDay Banner Ad

**

Jervy Kikiam King

Laugh out loud ang diva that you love sa pahayag ni Jervy delos Reyes. The WHO si Jervy? Yun na! Ang savage niyo sa kanya, huh! Hahahaha! Isa siya sa finalist ng Bidaman.

Mga kapwa ko diwata at sirena, siguradong-sigurado, lalong-lalo na para sa demographic na team hayok, kilala niyo ang binata at kayo nga ang nag-iingay at super disappointed sa kanya mini palo-palo.

Inamin naman ni Jervy na mala-kikiam ang size of his phallus pero sinisuguro niyang good in bed siya.

At least tapat ito at hindi itinatago ang katotohanan lalo na nga’t tila mas marami ang elyang-elya sa isa pang erotic performer na si Lloyd Agustin na diumano ay mas gifted kung ikukumpara sa kikiam ni delos Reyes.

Ano kaniyo? The WHO times two si Lloyd? Mga sinungaling niyong puso kayo kapwa ko miyembro sa Rosas Pandan community. Sa inyo nga galing ang chikang mas malaki ang classic hotdog ni Agustin tapos itinatanggi niyo na ito. Paki-spell ang plastikada. Hahahaha.

At dahil nga kumportable si Jervy sa kung ano meron siya, sure na sure na Kikiam King ang bagay na itawag sa kanya, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.