Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine tumalak sa ‘away’ kina Maja, Miles

0 128

Hindi napigilan ni Philippine Sweetheart Maine Mendoza na tumalak sa mga katkatera.

Kasi naman ang mga hitad na hindi kumikilos ayon sa kanilang mga ganda at estado sa buhay, ayaw paawat sa kanilang pag-comparison at contrast kay Nicomaine at sa iba pang “Eat Bulaga” female hosts.

Talagang ang nasa nila ay magka-tilapia war ang future wife ni Arjo Atayde versus the soon to be Mrs. Rambo Nuñez na si Maja Salvador at Elijah Canlas’s kasintahan, Miles Ocampo.

Ang pahayag ni Maine tungkol sa “kaguluhang” ito: “Always pitting women against each other. Hindi ko din gets, tbh. Hindi na lang maging happy tulad namin na happy kapag magkakasama. Laging may nasasabi. Laging may sinasabi. Kahit walang issue, gagawan. Tapos sa amin magrereflect at sa ibang sumusuporta nang tahimik sa amin.”

Nag-react ang kampo ni Maja sa talak ni Mendoza sa pangkat katkatera: “Thank you very much Maine, best girl. Team Maja loves you.”

Nasa katwiran at hulog ang pahayag ni Nicomaine. Hindi naman talaga tama na pinag-aaway-away ang mga host na babae sa EB.

Pasalamat tayo at emotionally intelligent at mature individuals ang female hosts sa EB .Hindi basta-basta nanalig sa isang libo’t isamg pamiminas na pumupukol sa kanila individually at collectively.

Sa sinabing ito na mula sa Philippine Sweetheart Maine Mendoza, matauhan nawa ang pagkat katkatera na tama na, sobra na, tumigil na kayong mga wala naman talagang pribilehiyong magsuplada.

**

Ang inyong lingkod, ang diva that you love, kaarawan ngayong Hunyo 26. Salamat sa pagmamahal at pagbabasa, my Diva Chronicles, Abante TONITE readers.

Sa aming pamunuan at patnugot Roldan Castro, salamat at ako ay isa sa mga entertainment section kolumnista sa Phillippines’s Most Trusted Tabloid.

Sa mga makaalala at nagbigay pugay yakap na mahigpit sa inyong lahat. (Happy birthday Alwin!Cheers!-ED)

Leave A Reply

Your email address will not be published.