Abante Tonite Interactive

Maine tumawid sa Kapamilya music channel

1,260

NI:ROLDAN CASTRO

Taong 2010 nang ipinahayag ni Maine Mendoza ang kanyang pangarap maging MYX VJ. Pagkatapos ng 10 taong lumipas, nakamit niya ito dahil siya ngayon ang tampok na guest celebrity VJ ng MYX ngayong buwan ng Abril.

Ito na ang kauna-unahang month-long venture ni Maine sa music channel ng ABS-CBN pagkatapos ng kanyang guesting para sa pelikulang “Isa Pa With Feelings” noong Oktubre. Tugma ang pagkakataong ito sa kakalungsad niyang music career sa kantang “Parang Kailan Lang,” isang collaboration kasama ang OPM band na Gracenote.

Bilang MYX VJ ngayong buwan, ipapakilala niya ang tampok na music videos sa Mellow MYX, Pop MYX, Pinoy MYX, at My MYX.

“Tuwang tuwa ako, as in super, kasi iba yung ginawa ko before for the promo of ‘Isa Pa with Feelings,’ few segments lang yun dito sa MYX. Tapos ngayon ang daming episodes so nakakatuwa lalo na pag sinasabi ko yung ‘MYX VJ’. Parang dream come true siya sa akin,” masayang pagbabahagi ni Maine tungkol sa kanyang MYX Celebrity VJ experience.

Samantala, may hatid pang espesyal na handog sa MYX Live! stage mula sa exclusive performances nina Juris (April 9) at Erik Santos (April 16). Nagbigay rin ang Tawag ng Tanghalan champion na si Janine Berdin ng makabagbag damdaming #MYXLIVE performance noong Huwebes.

Makisaya kasama si Celeb VJ Maine sa Mellow MYX simula ngayong Linggo (April 5) hanggang April 11 (Sabado), sa Pop MYX simula April 12 hanggang 18, sa Pinoy MYX simula April 19 hanggang 25, at sa My MYX simula April 26 hanggang 30.

Tonite – Wendys Inhouse Ad