Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine umiyak sa BJ

0 215

NI: VINIA VIVAR

Naantig ang puso ni Maine Mendoza at hindi napigilang mapaiyak sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga last Thursday. Sa nasabing segment ay choices ang dabarkads na nabiyudo sa edad na 35 years old o mas bata pa.

Isa sa participant si Danny na kamamatay lang ng asawang si Lorna last Dec. 29, 2020 sa sakit na cancer. Kumanta siya ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko at talaga namang nakaka-touch dahil kitang-kita mo sa kanya ang nararamdamang sakit sa pagyao ng kanyang misis. Halos hindi na niya makanta ang awit dahil sa pag-iyak.

At ito marahil ang nagpapaantig kay Maine kaya pagkatapos ng awitin ay talaga namang bigay-todo na rin siya sa pag-iyak.

Maging ang iba pang hosts ay makikitang na-touch din kaya sabi ni Vic Sotto, “teka nga muna, sandali, kanta pa lang umiiyak na, eh. Hinga muna tayo, okay?”

Nakakaiyak din ang kuwento ni Danny sa nangyari sa misis. Ipinahayag din niya kung gaano niya kamahal ang asawa nagkwento rin ng kanyang mga alaala rito noong nabubuhay pa ito.

Sobrang nakaka-touch ang mga sinabi ni Danny kaya naman makikitang naiiyak pa rin si Maine at ang co-host na si Wally Bayola.

Dahil dito ay nag-trending agad sa Twitter ang naturang episode at pinuri ng netizen sina Maine at Wally sa pag-handle nila ng segment.

“Good job, WaMeng! You did great hosting today’s @EatBulaga

#BawalJudgmental,” komento ng isang netizen.

“Good job Maine and Wally. Great hosting for today’s #BawalJudgmental kahit sobrang heartbreaking ng topic,” tweet ng isa pang EB supporter.

“Such an emphatic and kind-hearted young woman. i love you, meng!” tweet naman ng isang fan ni Maine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.