Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maingay bumatak: babae, 6 pa dakma

0 240

Nabisto ang ginagawang pot session ng pito katao kasama ang isang babae matapos itong itawag sa presinto ng kapitbahay nilang naingayan sa mga suspek sa Caloocan City, Linggo ng hatinggabi.

Kinilala ang mga nasakote na sina Elizabeth Sabarez, 57; Armil Pedejero, 35; Jeric Soriano, 21; Franklin Urbata, 36; Gino Benedict Soriano, 30; Sergio Correa, 40 at Rommel Eugenio, 28, pawang taga Cadaing Compound, Barangay 163, Sta. Quiteria, Caloocan.

Sa ulat ng sub-station 6 ng Caloocan Police Station, alas-11:30 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen.

Sinumbong nitong maingay daw na nag-iinuman ang mga suspek sa bahay nina Sabarez at Pedejero gayung kalaliman na ng gabi at lagpas na sa oras ng curfew.

Pinuntahan naman nina Pcpl. Lester Macalintal at Pcpl. Roderick Siador ang lugar.

Pagpasok ay hindi namalayan ng mga nag-iinuman ang kanilang pagresponde at naaktuhang humihithit ng shabu ang pito.

Narekober sa pot session ang mga shabu na aabot sa P35,000 at drug paraphernalias. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.