Abante Tonite Interactive

Maingay magsugal, 5 kalaboso

253

Arestado ang limang lalaki matapos ireklamo ng mga residente ang ginagawang pag-ii­ngay at pagsusugal sa kalsada kamalakawa sa Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Elesio Sillo y Cruz, Jr., 38-anyos; Percival Acol y Carvajal, 57, garbage collector; Jonathan Sequitin y Ramirez, 26, bartender; Christoper Lasco, 30 at Juan Lacona y Burbos, 30, pawang mga residente ng Mandaluyong City.

Sa report ng Mandaluyong Police, nakatanggap ng reklamo ang mga tauhan ng Intelligence Branch and Special Operation Unit kaugnay sa nagaganap na pagsusugal ng mga suspek sa kalsada ng Tabayog St., Barangay Malamig, kaya agad na nagresponde at dinampot ang mga suspek.

Abante Hiring – IT dep

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P770 na taya at tatlong mamiso bilang pangara.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602. (Vick Aquino)