Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maingay na tambutso binawal sa Maynila

0 63

Hindi na puwede sa Lungsod ng Maynila ang paggamit ng modified muffler at exhaust pipe na nakakaistorbo sa katahimikan ng komunidad partikular na sa mga mag-aaral sa online class.

Nabatid na inatasan ni Mayor Isko Moreno sina Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje at Manila Police District (MPD) director Gen. Leo Francisco na tiyakin na maipapatupad ang bagong pasa na ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng maingay na tambutso.

Sa ilalim ng Ordinance No. 8772 o Motor Vehicle Modified Muffler Noise Regulation Ordinance, papatawan ng multang P1,000 para sa first offense; P3,000 sa second offense; at P5,000 sa ikatlo at sa mga susunod pang paglabag ang isang pasaway na motorista.

SM food to go Banner Ad

Lahat ng noise level na lalampas sa 99 decibels na base sa engine speed na 2,000 hanggang 2,500rpm ay pagmumultahin.

Hindi umano saklaw ng ordinansa ang mga motorsiklo na ginagamit sa kompetisyon na 400cc pataas.

Inatasan ang MTPB at MPD na manghuli at itago ang record ng mga lalabag sa ordinansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.