Abante Tonite Interactive

‘Mainit’ si player, mas hot si mama

1,519

Hiwalay na pala ang dating sikat na professional player at ang kanyang asawa.

Naikuwento ng malalapit na kaibigan ng dating streak shooter na tuluyang naghiwalay ito ng landas at maganda nitong asawa dahil sa madalas na pag-aaway hinggil sa kanilang kumplikadong relasyon.

Hindi malaman ng mga kaibigan kung sino sa dalawa ang dahilan ng tuluyang paghihiwalay dahil kapwa mayroong kuwento sa pagitan ng player at asawa nito.

Unang kuwento ang pagiging babaero ni player habang ikalawang kuwento ang pangangaliwa naman ng asawa nito na pumatol sa isa ring player.

Ikinuwento ng malalapit na kaibigan na madalas noon na nag-aaway ang player at ang asawa nito na nagiging dahilan sa mababang laro ni player.

Hindi nalalaman ni player na kapag umaalis ito ng kanilang bahay at hindi pala ito umuuwi ay iba ang inuuwian ng kanyang asawa.

Aktibo pa rin sa paglalaro ang dating propesyonal na player habang nagsasama na ang asawa nito at ang pinatulan nito na isa ding player.