Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja ayaw pagsawaan ng dyowa

0 908

NI: ALWIN IGNACIO

Cuteness overload ang photo nila together pero ang panalo, ang mas matamis pa sa muscovado sugar na greeting ni Maja Salvador para sa kanyang dyowang si Ram Nunez.

May more than 100K likes na ang photo nila as a couple kung saan ang facial expression ni Ram, kunyari ay shookt na shookt at ang Salvador naman, pilit na pinapapangit ang kanyang magandang dalagang Filipina face. Ang pagbati ng aktres para sa minahal: “ Happy Birthday to My Man @rambonunez ❤sana hindi ka magsawa sa kakulitan at pagiging bujangjang ko .
Thank you for always being there for me lalo na sa mga panahong kailangan ko ng kasama. Thank you for loving me ng buong-buo. Mahal Kita.”

And I cannot help but wonder what “bujangjang” means? May mood swings ba si Maja na mahirap ispelingin at intindihin pero unawang-unawa at kayang sakyan ni Nunez? One hour she is shrieking like a little girl who just opened the box of her new Barbie doll and in a snap, biglang parang magiging one of the titas of Manila .Laging may kuda at hanash sa mga ganap at ang kanyangpag-iba-iba makes Salvador more endearing para kay Ram.

In Ram’s eyes she does no wrong kaya go for gold ang loving-loving.

Maja and Nunez are proofs na love is indeed lovelier pag mas pareho na kayong emotionally healthy and mature at talagang committed kayo to make the relationship work.

Kaya, sige lang Salvador at Ram. Pakiligin niyo pa kaming nanalig sa inyong romansa at relasyon. (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.