Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja ayaw pakabog kay Kim

0 1,080

Nang lumipat si Maja Salvador sa TV-5 para mag-host ng isang noontime variety show, akala ng balana ay patuloy na aaarangkada ang kumpetisyon sa kanila ni Kim Chiu.

Pero dahil short-lived ang naturang show, naagaw sa kanya ng Chinita actress ang pagrereyna sa dance floor.

Heto naman ngayon si Kim na umaariba ang bagong music video para sa ABS-CBN Star Music’s YouTube channel.

Lume-level up at nag-uumapaw sa K-feels ang video na inspired ng idolo niyang si Jennie ng Blackpink.

Ayaw namang pakabog ni Majasty dahil may pa-dance cover din ito ng K-pop song na ‘Nunu Nana ‘ ng popular Korean-American artist na si Jessi na viral ngayon.

May behind-the scenes pa siyang featured sa kanyang dance cover shoot kasama na ang bloopers na patok sa mga netizen.

Katunayan, umani ito ng positibong reaksyon sa mga netizen na naaliw sa kanyang performance.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“Maja Salvador is really something else. The way she carries herself in every dance move, sobrang pak!”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“When it really comes to dancing it’s Maja, no one can beat her. Her facial expression and her energy is on the highest level, just wow. She’s Maja Salvador the one and only Philippine Original Queen Of the Dance Floor!”

“The one and original Queen of the Dance Floor is back with a vengeance”

May ilan namang curious kung kailan daw kaya magsho-showdown sina Maja at Kim sa sayawan para patunayan kung sino sa kanila ang may K na tawaging reyna ng dance floor.

Sharon pumiyok sa plastic surgery

Sa vlog ni Dr. Aivee Teo ibinalita nito na nakatanggap ng iba’t-ibang treatment ang megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang clinic.

Pagbubunyag pa nito, bago tumulak at magbakasyon sa Estados Unidos ang singer -actress ay sumailalim muna ito sa pagpapaganda sa kanyang klinika.

Sa naturang vlog din, tinumbok din ni Sharon ang matagal nang isyung umano’y iniuugnay sa kanya na sumailalim siya sa plastic surgery kaya hindi nagbabago ang hitsura nito.

“The comment has been I look younger. But my face hasn’t changed. It really hasn’t. Have I had plastic surgery on my face?,”ani Sharon.

Sey pa ni Sharon, nasa magandang disposisyon at pananaw daw sa buhay ang ikinababata ng isang tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.