Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja bad trip kay DJ Loonyo

0 682

Malapit nang mag-33 si Maja Salvador sa darating na Oktubre.

Pero proud ang aktres na sa kanyang edad ay napanatili niya ang kanyang youthful looks.

Naniniwala rin siya na malaki ang nagagawa ng pagkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay para manatili ang kanyang youthful aura.

Pero, na-bad trip ang actress nang tawagin siya ng Tsinoy dancer at social media personality na si DJ Loonyo ng ‘ate.’

Nanawagan pa siya sa viewers na i-bash umano ang professional disk jockey at choreographer dahil sa ginawa sa kanya.

Hirit naman ng ilang netizens, wala raw namang masama sa pagtawag ni DJ kay Maja ng ate dahil ito raw ay ekspresyon lang ng paggalang dahil mas senior naman ang aktres sa una pagdating sa showbiz.

Alex inistorbo ng ermat sa honeymoon

Sa panayam ni G3 San Diego sa actress at Youtuber na si Alex Gonzaga, napag-usapan ang buhay nito bilang may asawa.

Ani Alex, iba na pala kapag nakatali na kumpara noong single pa siya at walang responsibilidad sa kanyang mister.

Marami raw siyang natutunan tulad na lamang ng pag-aasikaso sa kanyang better half na hindi niya ginagawa noong nagsosolo pa siya.

Natutunan din daw niya ang mag-adjust sa kanyang mister na public knowledge raw naman na isang public servant.

Malaking sakripisyo rin daw na hindi sila araw-araw na nagsasama sa isang bubong.

Dahil pinapa-renovate raw ang kanilang condo at may ongoing construction ang kanilang bahay, pumipirmi muna sila sa bahay ng mga magulang.

“Nagsasama kami. Lagi siyang pumupunta sa akin pero three to four times a week, sa Lipa siya. Ngayon, na-lessen na. Parang dati three to four times a week natutulog du’n, ngayon, two times a week na lang,” kuwento niya.

Naikuwento rin niya kung paanong halos naunsyami ang kanilang honeymoon dahil kasama nila sa trip ang kanyang mga magulang.

“Yung honeymoon namin, siyempre may mga tawag pa rin si Mommy Pinty. ‘Ano’ng ginagawa niyo?’,’” aniya.

Nang matanong naman kung may plano silang magpulot-gata na sila lamang ni Mikee ang magkasama, hindi pa niya masagot dahil mahirap mag-travel at may pandemic pa. a.

Tungkol naman sa bigger wedding, wala pa raw silang kongkretong masasabi bagamat kasama raw ito sa kanilang plano.

Hirit pa ni Alex, ready na rin daw siyang maging full-time mom.

Kung siya ang masusunod, gusto raw niyang magkaroon sila ng dalawang anak ng kanyang kabiyak sa buhay.

Heart napahiya sa pagtalak

Napahiya si Heart Evangelista sa kanyang pagtalak ng isang netizen ang nagsabing dinoktor o edited ang kanyang photo kung saan siya naka-swimwear sa kanyang Instagram.

Tinalakan niya ito sa pag-i-spread umano ng kanegahan.

Kaso, nang rumesbak si Heart, nagkamali siya ng kanyang na-tag.

Nalukring naman ang inosenteng netizen na walang ideya kung bakit siya napasama sa hanash ng aktres.

Sa huli, na-realize ni Heart ang kanyang pagkakamali at humingi ito ng paumanhin sa netizen na nadamay sa kanyang maling pagkaka-tag.

“Hahaha Sorry Sayo ko na reply.Thank you for your positivity.I live for that.You make my heart full,” sey ni Heart.

Sa halip na magalit o mabahala, natuwa naman ang inosenteng netizen dahil sa ginawang paghingi ng apology ng Kapuso actress sa kanya.

“OMG! I thought I was noticed by my idol. Kinabahan ako. Hihi But it’s okay. I love you ate @iamhearte. Stay safe,” sagot ng faney.

Umani naman ng papuri sa ilang netizen ang pagpapakumbaba ni Heart at pag-amin sa kanyang pagkakamali.

Leave A Reply

Your email address will not be published.