Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja bagong Dabarkads ng ‘Eat Bulaga’

0 276

Iisa ang hula ng mga netizen sa inanunsyo nina Ryan Agoncillo at Jose Manalo last Saturday na magkakaroon ng bagong Dabarkads ang Eat Bulaga para sa isang bagong dance segment ng show.

Deskripsyon ni Ryan tungkol sa bagong papasok sa noontime show, “isa sa pinakamahusay na aktres at isa sa pinakamahusay sa sayawan sa industriya ngayon.”

May diin sa “mahu” nang sinasabi ni Ryan ang “mahusay.”

Eh dagdag pa ni Jose, “Ibig sabihin mapapahanga ka, mapapanganga ka rin sa galing” na may diin din sa “MA.”

“Mababaliw kayong lahat, hindi niyo ine-expect na magbu-Bulaga iyan!” hirit pa ni Ryan.

Pagkatapos nito ay naglabas na rin ng teaser ang Eat Bulaga sa bagong segment ng show called “Maximum Sayawan” at makikitang iba ang kulay ng letter M at letter S.

Dahil sa mga hints na ito, walang ibang maisip ang netizens kungdi si Maja Salvador ang tinutukoy na bagong member ng EB.

SM food to go Banner Ad

Nagsunod-sunod na rin ang tweets ng mga fans niya tungkol dito at nag-congratulate na nga ang iba sa aktres.

Nabasa rin namin ang tweet ng isang showbiz account at nakasaad naman dito na kumpirmado na raw na Kapuso star na si Maja.

“BREAKING NEWS: This time it’s official. Maja Salvador will soon make the big leap from TV5 to GMA7 as soon as her primetime teleserye is over. She will joining Eat Bulaga first and will eventually sign with Artist Center where Mr. M. is the head honcho,” ang nakasaad sa tweet ng Entertainment Uptake.

Kinontra naman ng fans ni Maja na pipirma ang aktres ng management contract sa GMA Artist Center dahil may sarili raw talent agency ang aktres.

Isang fan account naman ni Maja ang nag-tweet ng “sa new segment lang naman tayo, mga sis. Balita ko ay tuwang tuwa ang mga producers sa kanya sa palabas kung saan siya ay hurado. I welcome the idea na she can work sa different shows and networks. Di ba minsan allergic tayo sa network wars? Trailblazer siya dito.”

Tweet naman ng isa pang Kapamilya loyalist, “Maja is set to be part of Eat Bulaga’s NEWEST SEGMENT and meaning, sa APT Entertainment siya may kasunduan at wala sa GMA. Dabarkads siya at hindi Kapuso. Give niyo na kay ate gurl yun, wala siyang kontrata sa kahit anong network and she needs work.”

Well, dahil wala pa rin namang kumpirmasyon si Maja or ang Eat Bulaga or ang GMA-7 tungkol dito, let’s wait and see na lang muna tayo. For sure eh magkakaroon naman ng official announcement kung totoo nga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.