Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja bagong manager ang dyowa

0 186

How true kaya ang kuwento sa amin ng source na ang boyfriend daw ni Maja Salvador na si Rambo Nunez ang bagong manager niya? Ito raw ang nakipag- negotiate sa GMA 7. May mga senyales na nga na posible ang balitang ito ng maglabas ng pic sa kanyang IG si Heart Evangelista na guest niya ito sa kanyang vlog.

Kung iisipin nga puwede naman talaga itong mangyari.Nawala na rin naman ang kaisa-isang show ni Maja sa TV 5. Kahiyaan na nga naman kung babalik siya sa ABS-CBN dahil siya naman ang umalis.

Female singer nagsara ang negosyo

Aminado ang mga aktor ng teatro na sina Jett Pangan, Robert Sena at Ima Castro na mahirap ang pinagdaanan nila nitong pandemya.

Si Ima na kinailangan isara ang kanyang food business at namalagi na lang muna sa Batangas dahil wala naman masyadong ganap sa Manila. Hangad naman nina Jett at Robert na sana ay payagan na ang pagkakaroon ng live audience sa concert o stage play para kahit paano ay makabalik na sila sa normal.Sana raw ay magbukas na rin ang mga sinehan kahit limited capacity.

Nagpapasalamat na lamang ang tatlo na dumating ang I Will, The Musical at may trabaho sila. It’s a life story of Dr. Willie Ong na gagampanan ni Gerald Santos sa direksyon ni Doc Rommel Ranillo.

Abangan!

Erich inurirat ang kasal ni Sofia

Sa vlog interview ni Erich Gonzales kay Sofia Andres ay tinanong niya ito ng diretsahan tungkol sa pagpapakasal.

Sagot ng young actress, ” Napapag-usapan pero wala pa talagang plano.This time we don’t want to rush things. We’re still young. “

Kasi raw nu’ng nagkarelasyon sila ni Daniel Miranda at nagkaanak ay hindi naplano at bigla na lang nangyari. Pagdating sa usaping kasal gusto naman nilang paghandaan.

Pero hangad daw ni Sofia na sila na till the end dahil buo na ang family nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.