Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja binenta regalo ng mga ex

0 335

NI: ARCHIE LIAO

Sa episode ng “Star Lounge” ng Star Magic, ibinahagi ni Maja Salvador at ng non-showbiz boyfriend nitong si Rambo Nunez ang kanilang mga karanasan bago sila nagkahiwalay.

Pagbubunyag ni Maja, niregaluhan daw siya ng boyfie ng laptop noon pero sa halip na isoli nang magkahiwalay sila, ibinenta raw niya ito.

Paliwanag pa niya, kadalasan daw ang mga regalong ibinibigay sa kanya ng kanyang mga nagiging ex-boyfriend ay idini-dispose niya.

Hirit niya, ginagawa raw niya ito dahil ayaw niyang mag-iwan ng memories o balikan ang mga alaala na mayroon siya sa kanila.

Umani naman ng nods of approval sa ilang netizens ang istilo ng aktres para maka-get over sa kanyang heartbreak at failed relationships.

Anila,wais daw ang aktres dahil ayaw nitong magpaka-senti at sa halip ay napapakinabangan pa ang mga gift ng kanyang naging karelasyon.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Maja na napupunta umano sa charity ang bahagi ng kanyang napagbentahan sa mga regalong ibinenta niya.

Bagama’t hindi sila nag-usap noong mga panahong hiwalay sila ni Rambo, aminado naman si Maja na hindi nawala ang kanilang komunikasyon.

2010 naging mag-steady ang dalawa pero nagkahiwalay din.

Nagkabalikan naman sila noong nakaraang taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.