Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja binida ang ganda ng mga Ilokana

0 95

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Maja Salvador ang kanyang pagiging taal na Ilokana.

Sa kanyang Speaking Ilocano only challenge, ipinamalas niya kung gaano siya kabihasa sa pagsasalita ng Ilokano.

Nagkaroon siya ng kumustahan sessions sa kanyang mommy at sa kapatid na si Kirby.

Nanawagan naman ang ina ng aktres sa mga faney na patuloy na suportahan ng mga ito ang kanyang anak.

Tinawagan din ni Maja sa naturang episode si Liza Soberano na bagamat may Ilokano blood ay aminadong hindi naman ganoon ka-fluent sa pagsasalita ng nasabing dialect.

Naging panauhin din niya ang napabalitang bagong contract artist na si Jasmine Curtis-Smith na ang boyfriend ay isa ring Ilokano.

Pagbubuhat pa ng bangko ni Maja, magaganda raw ang mga Ilokana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.