Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja binuking ang ‘secret wedding’

0 1,161

Napag-tripan ni Maja Salvador na paglaruan ang kanyang mga kaibigan sa latest episode ng kanyang Meet Maja vlog na Prank Calling my Friends.

Una niyang ginudtaym si Jake Ejercito at sinabing may pinagdadaanan ang kanilang relasyon ng boyfie na si Rambo Nunez kung saan humirit itong gusto niyang mangutang ng P100 k.

Tulad ni Jake, napasakay rin si Thou Reyes sa kanyang drama na willing na magpahiram sa aktres ng 2 million pesos.

Successful din ang prank calls ni Maja kina Enchong Dee at Joshua Garcia kung saan pinapaniwala niya ang mga itong ikakasal na siya at imbitado ang mga ito sa isang secret ceremony.

Sobra namang excited sina Enchong at Joshua sa umano’y kasal ni Maja kaya nag-commit ang mga ito na ikakalendaryo na sa kanilang iskedyul ang nalalapit na kasal ng aktres.

Sa kaso naman ni Rayver Cruz, in-assure naman nito si Maja na mananatiling sikreto ang nasabing ganap lalo pa’t magaling daw naman siyang magtago ng lihim.

John Lloyd ninong sa kasal ni Salvador

Tinawagan din ni Maja si John Lloyd Cruz at sinabing huwag itong mawawala sa kasal niya dahil imbitado ito bilang ninong.

Nang isiwalat ni Maja na isang prank lamang ang lahat, matagal bago nakapag-react si Lloydie.

Ilan pa sa tinawagan ni Maja para i-prank ay sina Aiko Melendez na natunugan agad ang kanyang panggu-gudtaym at Alex Gonzaga na nag-offer pa na ire-refer siya sa mga kilalang suppliers para makatipid sa kasal.

Manny binisto ng mga anak

Sa vlog ng kanyang anak na si Mary o Princess, sumalang si Manny Pacquiao at ang kanyang pamilya sa interogasyon habang kumakain sa dining table.

Kumpleto ang pamilya maliban kay Michael na isang latecomer.

Natanong si Pacman, kung ano ang favorite place nito sa bahay at sinabi nitong ang bet niya ay ang masters’ bedroom nila ni Jinkee.

Bukod kasi sa comfy, spacious daw ito dahil kasinglaki ito ng tatlong kuwarto.

Favorite vacation spot naman ng Pambansang Kamao ang hometown ng kanyang misis samantalang ang gustong balik-balikan naman ni Jinkee ay ang Switzerland.

Favorite food naman ni Pacman ang tuyo at ang ginataang kalabasa.

Favorite pastime naman ni Manny ang magbasa ng Bibliya.

Nang tanungin naman ni Princess ang kanyang mga kapatid na sina Jimuel, Queenie at Michael sa favorite pastime nila, ibinuking ng senador ang mga anak na adik sa cellphones at gadgets na siyang kumukonsumo ng kanilang oras.

Leave A Reply

Your email address will not be published.