Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja ‘di mababawi ang korona kay Kim

0 200

NI:ARCHIE LIAO

Ngayong sumalangit nawa na ang Sunday noontime show na SNL ng Singko, may umuugong na mga balita na babalik sa ASAP ang hosts nitong sina Piolo Pascual at Maja Salvador.

True kaya ito o out sila?

Sa kabila ng kanilang pansamantalang pago-ober da bakod, maugong din ang balitang makakabalik ang dalawa sa kanilang mother network lalo na’t may mga padrino sila sa nasabing kumpanya.

Ayon sa kibitzers, babawiin daw ni Maja Salvador ang koronang dating hawak bilang reyna ng dance floor kay Kim Chiu.

May rumor din na nagparating na raw ng feelers ang aktres sa management ng ABS-CBN para bumalik.

Hindi raw imposibleng mangyari iyon lalo pa’t napabalita na may limited partnership ang TV5 at ABS-CBN sa pagpapalabas ng ilang shows ng huli sa network ni MVP kasama na ang ASAP.

Hirit naman ng ilang bitchy observers, malayo raw isuko ni Kim ang kanyang korona kay Maja. Lalo pa’t napatunayan na niya ang kanyang loyalty sa network kesa kay Maja.

Sey naman ng ilan, kailangan ni Kim ang kumpetisyon para magkaalaman kung sino sa kanila ni Maja ang mas magaling humataw at karapat-rapat na tanghaling queen of the dance floor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.