Maja feeling nasa cloud 9

Dalawang linggo simula nang mag-propose sa kanya ang boyfriend na si Rambo Nunez, inamin ni Maja Salvador na nasa cloud 9 pa rin siya.
Matatandaang nag-propose si Rambo kay Maja noong Easter Sunday, April 17 sa Palawan.
Nag-post si Maja ng mga sweet photos nila ni Rambo at sa caption, she wrote, “Mag 2 weeks na pero nasa cloud 9 pa rin ako 🤍💍 ILY @rambonunez nakakagigil!!!”

Nag-react naman si Rambo ng smiling face with 3 hearts emoji.
Kung kailan ang kasal, ‘yan ang inaabangan ng lahat ngayon.