Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja gagawan ng milagro si Miles

0 204

NI: Archie Liao

Sa Instagram account ng Crown Artist Management ni Maja Salvador, inanunsyo na join sa pool of talents niya ang dating Kapamilya actress na si Miles Ocampo.

May kibitzers namang nagsasabing expected na ito dahil kasama ang actress sa sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 na kilalang malapit sa actor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mina-manage rin kasi ng talent management agency ni Maja si Lloydie.

Hirit pa nila, dahil wala namang proyekto si Miles sa Kapamilya network, malaki raw ang impluwensiya ng Kapuso actor sa desisyon ni Miles na magpa-manage kay Maja.

Sa bagong management, hopia naman ang mga faney ni Miles na gawan ni Maja ng milagro ang karera ng dating Goin’ Bulilit star.

Leave A Reply

Your email address will not be published.