Abante Tonite Interactive

Maja ilag kay John Lloyd

0 435

tonite-this-is-it-roldan-castroAyaw kumpirmahin ni Maja Salvador ang pagbabalik sa showbiz ng matalik niyang kaibigan na si John Lloyd Cruz?

“Nakita ko sa social media, ayaw ko po magsalita kasi bilang isang kapatid niya, I respect him, I respect his decisions,” deklara ni Maja nang makatsikahan sa presscon ng NCCA bilang bagong dance ambassador
“Kung ano man ang lumalabas, sorry po, ayaw ko po sagutin dahil hindi ko po alam. Ayaw ko magsalita, ayokong sa akin ga­ling kung ano man,” dagdag pa niya.

Malaking karangalan para kay Maja na maging Dance Ambassador ng NCCA.

Masarap daw ang pakiramdam na marami ang nagtitiwala sa kanya. Marami ang nakaka-recognize sa kanyang talent o sa pagsasayaw.

Samantala, inaayos na ang schedule ni Maja para makadalo sa event ng NCAA na Dance Xchange: The Phi­lippine International Dance Workshop and Festival. Ang tema nito ay ‘Cultural connectivity through dance’. Gaganapin ito sa April 26-30, 2019 sa Don Ynocencio del Rosario Gym, Brgy. Dayao, Roxas City, Capiz.

Para sa ibang detalye tawagan si Mr. Rene S. Na­penas, head of NCCA Public Affairs and Information sa 5272192 loc 625 o mag-email sa ncca.paio@gmail.com
***

Pinoy Muriatic Man tumanggap ng $5M sa Guinness

Binigyan ng award at premyo na nagkakahalaga ng $5M ng Guinness World Records ang multi-awarded herbalist-formulator na si Dr. Sevillo Binondo-Tamayo na tinaguriang Filipino Muriatic Man. Guinness guest presen­ters ay ang Swedish Deputy Ambassador Lennart Jansson at global violinist-visual painter Jeanette Kamphuis.

Ang parangal kay Dr. Tamayo ay idinaos sa nakaraang 39th Consumers Choice Awards sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, QC.

Ayon kay Dr. Tamayo, napatunayan niyang epekti­bo at nakagagaling ng iba’t ibang uri ng karamdaman ang natuklasan niyang alkaline powder na kahit ihalo raw sa muriatic ay may neutralizing effects sa katawan.

Anyway, dahil din sa kahilingan ng maraming pasyente niya at sa payo na mas maipo-promote ang kanyang produkto, plano ni Dr. Tamayo na isapelikula ang buhay niya.

Ito’y ang ‘Dahil sa Pag-ibig’ written and directed by George Vail Kabristante at Jigz Recto.

Pangarap din ni Dr. Tamayo na ang gaganap sa buhay niya ay ang favorite niyang si Mayor Richard Gomez. Gusto rin niya na ang Megastar Sharon Cuneta na gumanap sa papel ng misis niya.