Abante Tonite Interactive

Maja inatake ng sepanx

By
10,814

UMAATAKE na ngayon ang separation anxiety kay Maja Salvador. Nagwakas na kasi ang kanyang seryen­g Wildlfower na umabot ng isang taon.

Natawa ang mga follower ni Maja sa Tweet niya tungkol sa sepanx sa kanyang show dahil inakala niya na may taping pa rin siya, ‘yun pala ay wala na siyang work para dito.

@princessmaja, “waiting ako ng txt sa akin ng handler, ang rm (road manager) ko re:wildflower calltime for taping tom. #sepanx”. At saka niya tinag ang mga kasamahan niya sa show na sina Sunshine Cruz, Tirso Cruz, Aiko Melendez, Joseph Marco, RK Bagatsing, Vin Abrenica, Zsa Zsa Padilla.

Sa finale presscon pa lang ng kanyang show, sinabi ni Maja na nakakaramdam na siya ng lungkot sa nalalapit na pagtatapos ng serye lalo’t isang pamilya ang nabuo nang gawin nila ang project.

Pero hindi naman makakapagpahinga ang aktres dahil nagsimula na ang concert tour niya at magpo-promote na rin sya ng bagong single.

Anyway, inatake na rin ng sepanx ang mga follower­ ni Maja sa hindi na nila mapapanood na top-rated show nito.

***

Jasmine pinatikim ng expensive early V-Day date

KUNG meron man isang taong lumigaya bago pa man nag-Valentine’s Day, ‘yun ay si Jasmine Curtis Smith. Pinatikman siya agad ng boyfriend niyang si Jeff Ortega ng bonggang Pre-Valentine date sa Sofitel Hotel.

Naka-post sa Instagram wall ni Jasmine ang ilang larawang kuha sa kanilang dinner date.

Hindi lang daw ito early V-day date, kundi anniversary celebration din nila ni Jeff.

@jascurtissmith, “Early Valentine’s and anniversary celebration with this one. Couldn’t have chosen a better spot than @sofitelmanila, they really know how to make you feel loved…”

Hindi simple ang dinner date na ito nina Jasmine at Jeff dahil may personal chef para sa kanilang five course meal.

“We had our own personal chef for our five course meal and right after dinner settled, we were treated to a ‘sweet escape’!”

Makikita naman sa mga photo ang chef na naghanda ng meal para sa sa tabing dagat ng Sofitel. Ibig sabihin, mahal ang date na ito ng dalawa.

Sinabi rin ni Jasmine sa caption na nag-spa pa sila bilang bahagi ng kanilang selebrasyon.

“This included a chocolate body scrub and the best massage at Le Spa…”

Parehong blessed ang magkapatid na Anne at Jasmine sa kanila-kanilang mga lovelife. Nakatagpo sila ng mga lalaking hindi lang nagmamahal ng todo, ginagawa pa silang mga reyna.

***

Jackie Lou Blanco may asim pa

NAUUSO ang pasiklaban ng mga established stars (dahil ayaw niyang matawag na elder o veteran) na tulad nina Jackie Lou Blanco at Ynez Veneracion.

Kahanga-hanga ang pigura ni Jackie Lou na sa edad niyang 54. Wala kang mababakas na tumanda ang character actress.

Nag-post si Jackie Lou ng full photo shot niya in a two-piece bikini habang naka-emote siya sa isang resort.

Sa kurba ng katawan nito, hindi mo aakalaing may tatlong dalaga na siyang anak. Wala siyang kapuson-puson sa tiyan, malinamnam pa rin ito sa paningin ng sinumang lalaki.

Ultimong mga bagets ay magpapantasya sa ka­seksihan at ganda ni Jackie Lou. Kumbaga, may asim pa ang aktres.

Ang rason ng pagpo-pose ni Jackie ng kanyang sexy photo ay para ipagmalaki ang achievement niya. Kahit nga may edad na siya, nagawa pa rin niyang maging sexy sa kasalukuyan.

@jackieloublanco, “the last time I wore a bikini was 20 years ago when I joined Great Bodies, My tummy was never flat. I was a chubby child. It still isn’t and that’s why I rarely wear one. Naco-concious ako.

“3 years ago I had a problem losing weight. I didn’t know what I was doing wrong or if I was doing anything right. Was so frustrating. Then I met Pau Quiza and little by little the weight came off and I started getting more toned.

“I wasn’t sure whether I was going to post this foto, but as I turn much older today, I realized I am not at that frustrating place I was years ago and I am grateful and thankful.

“Still a long way to go but with the love and support of those I love, I know the journey will be worth it. So today, I celebrate my struggles, my strengths, my weaknesses and my victories. I celebrate all the women out there, all shapes and sizes. Know you are not aloe in your struggles. I celebrate YOU! I ce­lebrate life!”