Abante Tonite Interactive

Maja ini-enjoy ang pagiging single

By
724

tonite-imo-vinia-vivarSix months na raw single si Maja Salvador. Ito ang inamin ng aktres sa guesting niya sa ‘Magandang Buhay’ aired yesterday. Na ikinagulat namin dahil wala naman siyang ina­anunsyong boyfriend ulit pagkatapos ni Gerald Anderson.

Nabuksan ang topic nang sabihin ng kaibigan niyang si Kakai Bautista na kasabay niyang nag-guest na ine-enjoy niya ang kanyang single life.

“Hindi siya in love. Hindi dapat, hindi pa. Masaya siya sa single life niya. Ini-enjoy niya ang perks of being Maja Salvador,” sabi ni Kakai.

Tinanong ng host na si Jolina Magdangal si Maja kung matagal na ba siyang single o kaka-single lang at natawa si Kakai.

Sabi ni Kakai ay mga six months na raw.

Agree naman si Maja at aniya, “six months going seven.”

Hirit naman ni Kakai, “wala na ‘yung nagpa-single sa kanya, pinatumba ko na, charot!”

Ayaw nang i-reveal pa ni Maja kung sino ang guy.

“‘Wag nang sabihin kung sino ‘yun. Buti nga, uma­ming six months na, ‘di ba?” sambit ni Maja.

‘Yun na!

 

Siya ang panalangin ko — Sheena

 

Finally, dumating na nga ang Mr. Right sa buhay ni Sheena Halili. Engaged na ang Kapuso actress sa non-showbiz boyfriend na si Jeron Manzanero na nag-propose last Sunday night na na-witness ng ilang kaibigan ng aktres kabilang na ang aktres na si Rich Asuncion at Juancho Trivino.

Naganap ang proposal sa sinehan sa Promenade, Greenhills at kanya-kanyang post ang mga friends ni Sheena ng mga kaganapan.

Kakaiba at talaga namang nakakaiyak ang proposal kaya hindi kami nagtataka kung pati si Sheena ay na­ging emosyonal.

Sa napanood naming video, naunang pumasok sa sinehan si Sheena at nagsimulang ipalabas sa screen ang mga video nilang dalawa. Dito pa lang ay makikita nang umiiyak na si Sheena na si­yempre ay may ideya na marahil ng magaganap.

Heto na, pumasok na sa sinehan ang boyfriend ni Sheena at pagtapat sa kanya ay nilabas na ang ring at lumuhod na ito. Pagkaluhod na pagkaluhod ni Jeron ay tumatango na si Sheena habang panay ang iyak.

Nakaka-touch din ‘yung sa screen ng sinehan ay may nakalagay na “Sheena will you marry me?”

Pagkatapos sumagot ng “yes” ni Sheena ay nagyakap sila nang mahigpit at ramdam na ramdam mo sa kanila ang happiness.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Sheena ng short video ng proposal at sa caption ay nilagay niyang “SIYA ANG PANALANGIN KO.”

Si Jeron naman ay nag-post din ng photo ng proposal at sa caption, he wrote, “the answer is: YES!”

Nag-post din si Rich ng larawan ng engaged couple sa sinehan at sa caption naman ay binabati niya ang kaibigang aktres.

Si Juancho naman ay nagpost sa kanyang Instagram Story at ikinuwento niyang first time raw niyang nakakita ng proposal. “I am speechless,” caption pa niya.

Ang co-manager ni Sheena na si Katrina Agui­la ay nag-post din ng pagbati sa aktres.

“You guys deserve all the happiness in the world. Congratulations @jemanzanero and @mysheenahalili. Grabe yung kilig ko when Jeron called and told me he had the ring since Feb pa. Ika nga yan ang tinatawag na “In God’s time”. I’m super happy for you both. Minsan lang sa buhay na nabibigyan tayo ng chance to find our soulmate, and you both found yours in each other…❤ Congratulations again!!! (Teka kukuha muna ako tissue para magpahid ng luha),” ang caption ni Katrina sa larawan nina Sheena and Jeron na magkayakap matapos mag-yes ang aktres.

Si Sheena ay nagsimula sa showbiz­ noong 2004 at produkto ng Starstruck Season 1. Kasabayan (at halos ka-edad na rin) niya sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Kristine Reyes, Yasmien Kurdi at Nadine Samonte na may mga sarili na ring pamilya ngayon.

Kaya naman panahon na rin talaga para mag-settle down si Sheena at isa rin kami sa natutuwa na finally ay natagpuan na niya ang lalaki para sa kanya.