Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja, Jennylyn, Juday, Nora, Sylvia, Coney, Sunshine sabong sa best actress

0 56

RODEL FERNANDO: Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng official nominees para sa 34th Star Awards For Television.

Ngayong taon ay ibibigay sa King of Talk na si Boy Abunda ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award at ang Excellence In Broadcasting Award naman ay sa veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Sa pamunuan ng kasalukuyang pangulong si Roldan F. Castro , mga opisyal at miyembro, ang 34th Star Awards for Television ay idaraos sa pamamagitan ng virtual awarding. Iaanunsiyo sa mga darating na araw ang petsa at oras nito.

Nagpapasalamat naman ang PMPC sa Beautedem CEO and President na si Rei Anicoche Tan sa pag-sponsor sa Star Awards for TV trophies.

Samantala, matindi ang salpukan sa kategoryang Best Drama Actress na paglalabanan nina Coney Reyes (Love of My Life), Jennylyn Mercado ( Descendants of the Sun), Judy Ann Santos ( Starla), Maja Salvador ( The Killer Bride), Nora Aunor (Bilangin Ang Bituin Sa Langit), Sunshine Dizon (Magkaagaw) at Sylvia Sanchez ( Pamilya Ko).

Matalo kaya nina Jennylyn, Sunshine, Maja at Judy Ann ang mga beteranang sina Coney, Sylvia at Nora?. Abangan!

MILDRED A. BACUD:Better late than never ika nga. Dapat nairaos na nu’ng nakaraang taon pa ang 34th PMPC Star Awards for TV pero dahil sa pandemya, nagulo ang showbiz world.

Hindi bale dahil this time ay tuluy- tuloy na nga at wala ng makakapigil sa PMPC kasehodang makiuso na rin sa virtual awarding ceremony.

Isa sa mga inaabangang kategorya ay ang Best Single Performance by An Actress. Sino kaya kina Alessandra de Rossi (Sisters At War/Tadhana),Glaiza de Castro ( Sino Ang Baliw/ Magpakailanman), Jane de Leon ( Medal/MMK),Janice de Belen ( Mata/ MMK), Jasmine Curtis ( Sex Slave/ Tadhana),Julia Barretto ( Colored Pens/MMK), at Sunshine Dizon (Magkano Ang Forever/ Tadhana) ang mananalo?

First time naman ma-nominate sa kategoryang Best Single Performance By An Actor ang bagito sa showbiz na si Seth Fedelin (Ilog/Maalaala Mo Kaya). Makakabangga niya sina Cris Villanueva (Ilog/ Maalaala Mo Kaya),Dennis Trillo ( OFW MostWanted/ Magpakailanman),Joshua Garcia (Tren/MMK),Ogie Alcasid ( Flyers/ MMK), at Ruru Madrid ( Adik Sayo/ Magpakailanman).

ROMMEL PLACENTE:Sa totoo lang, mga ka-Cuatros, ang Star Awards For TV ay talagang inaabangan ng publiko, lalo na ng mga tagahanga. Kaya naman sa pamumuno ni Ka-Cuatros Roldan, at tayo mga ka-Cuatros na Mildred at Rodel, bilang opisyales ng Philippine Movie Press Club (PMPC), behind Star Awards For TV, ay itutuloy na nga natin ito thru virtual awarding. At narito naman ang mga nominado para sa Best Drama Actor category:

Alden Richards (The Gift),Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano),Dingdong Dantes (Descendants of the Sun),Jeric Gonzales (Magkaagaw),JM de Guzman ( Pamilya Ko)

Joey Marquez ( Pamilya Ko), at Joshua Garcia ( The Killer Bride).

Ang pitong nominado ay pawang acting awardees na. Pero sino kaya sa kanila ang mag-uuwi ng Best Drama Actor trophy?Sa Best Drama Supporting Actress category,ang

maglalaban-laban naman ay sina Aiko Melendez (Prima Donnas),Angel Aquino (FPJ’s Ang Probinsiyano),Cherry Pie Picache (Sandugo) ,Irma Adlawan ( Pamilya Ko),Isabel Rivas ( Bilangin Ang Bituin Sa Langit),Lorna Tolentino ( FPJ’s Ang Probinsyano)

at Vina Morales ( Sandugo)

Sino naman kaya sa kanila ang tatanghaling Best Drama Supporting Actor? Sina Gabby Eigenmann para sa (Bilangin Ang Bituin Sa Langit),Gardo Versoza ( Sandugo),Jaime Fabregas ( FPJ’s Ang Probinsyano),Joel Torre ( Starla ),Michael de Mesa ( FPJ’s Ang Probinsyano),Roderick Paulate ( One of the Baes),at Rocco Nacino ( Descendants of the Sun) .

SETHDREA WAGI SA GERMAN MORENO POWER TANDEM

ROLDAN CASTRO: Bagamat challenging ang pagkakaroon ng awards night ngayong pandemya, tulong-tulong ang mga miyembro at opisyales ng PMPC na mairaos ito.

Kahit ang mga baguhang artista ay patuloy na maglaban-laban para s BEST NEW MALE TV PERSONALITY: Abdul Raman (All-Out Sundays),Allen Ansay ( Buhay Kapalit ng Alak/ Magpakailanman.Dan Delgado ( It’s Showtime),Jerick Dolormente (All-Out Sundays),

Jin Macapagal ( It’s Showtime), Joaquin Domagoso (All-Out Sundays)

Kim de Leon (All-Out Sundays),Radson Flores (All-Out Sundays),

Ron Macapagal ( It’s Showtime),Wize Estabillo ( It’s Showtime).

BEST NEW FEMALE TV PERSONALITY:Angela Alarcon ( Beautiful Justice),Chantal Videla ( Starla),Faye Lorenzo ( Bubble Gang),

Gillian Vicencio ( Colored Pens/ MMK),Kaori Oinuma ( Mata/ MMK),

Rere Madrid (Tanging Ina Ng Lahat: The Amelia Calma Story/

Magpakailanman), Shayne Sava ( All-Out Sundays),Thea Astley (All-Out Sundays).

Tiyak na magpipista rin ang mga SethDrea fan dahil napili ng PMPC sa GERMAN MORENO POWER TANDEM AWARD ay sina

Seth Fedelin at Andrea Brillantes para sa Kadenang Ginto.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.