Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja, Julia, Bea trending ang lumang photo

0 429

Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat ibigay sa kung sino man ang nagpalutang muli sa larawang magkakasama sina Maja Salvador, Julia Barretto at Bea Alonzo.

Ang nakalipas na di na maaring balikan na larawan ay kinunan noong hindi pa masalimuot ang lahat para sa tatlo. Lalo na nga’t ang kanilang common denominator ay ang papable na si Gerald Anderson.

Halos dalawang taon yata ang naging “closeness” nina Salvador at Anderson. Not once, but twice naging romantically involved si Bea kay Gerald. Well chronicled at dokumentado ang unang pagkakataong sila ay nagmahalan, naghiwalay, nagkabalikan tapos naghiwalay muli with Bea shouting “Enough!”. Ito’y matapos mawalang parang mutlo si Gerald sa buhay niya.

Ang pangatlong babae sa larawan, si pretty young Miss Julia Barretto ang kasalukuyang partner ni Anderson .Mariing itinanggi dati na siya ang dahilang ng paghihiwalay nina Bea at Papa GeGe.

Sa ngayon, happy together ang dalawa at kung magtatagal ito, tanging sina Zaido at ang mga Pulis Pangkalawakan lamang ang may alam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

In happy at stable na relasyon na si Maja with her knight in shining armor Rambo Nunez.

At ang this generation’s movie queen, si Alonzo, found her bliss and one true love sa biisig at piling ni Dominic Roque.

Kung saka-sakali kayang ipakita sa mga artistang babaing ito ang larawan nilang tatlo? Mapangiti kaya sila at ma-amuse? Humalakhak at kukurutin sa braso ang naglakas loob na magpakita? O, kukunin ang larawan, pagmamasdan tapos pupunit-punitin?

Ang imporante sa ngayon, maligaya na sina Maja Salvador, Julia Barretto at Bea Alonzo. Let bygones be bygones, ika nga. Tumbling na lang tayong lahat kung may susugal na pagsamahin silang tatlo sa isang proyekto kasi, talagang kaabang-abang yun, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.