Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja kinilig kina Sam, Catriona

0 94

NI: ARCHIE LIAO

Hindi napigilang kiligin ang netizens sa ginawang pagbati ni Sam Milby sa kanyang girlfriend na si Catriona Gray.

Ipinagdiwang kasi ng 2018 Ms. Universe ang kanyang kaarawan sa noontime variety show ng TV5 kahit sa Enero 6 pa ang birthday ng SNL host.

Sa nasabing video greeting din, nabuking na “koala” ang tawag ni Sam sa nobya.

“Koala” dahil isinilang at lumaki ang dating beauty queen sa Australia.

Hindi rin naitago ni Catriona ang kanyang naging kilig sa pagbati ng boyfie.

Pati nga si Maja Salvador ay sobrang kilig din sa lovey-dovey gesture ni Sam kay Cat.

Piolo ‘inggit’ kay Sam

Ilan naman ang nang-iintriga kay Piolo Pascual. Inuurot nila ito na ‘inggit’ umano kay Sam dahil naka-jackpot ito kay Cat. Syota ba naman ang pinakamagandang babae sa buong universe.

Sey nila, kailan daw naman magkaka-lovelife si Piolo pagkatapos ng huli nitong romansa kay KC Concepcion many years ago?

Leave A Reply

Your email address will not be published.