Abante Tonite Interactive

Maja, mas mabagsik mas mapangahas ang ‘flower’ ngayon

By
18

SINUBAYBAYAN at tinutukan ng mga Pilipino ang engrandeng pag­lantad ni Maja Salvador bilang Lily Cruz sa hit teleseryeng Wildflower noong Martes (Oct. 10).

Trending sa social media ang makapigil-hiningang mga eksena at kaliwa’t kanan din ang mga ginawang memes ng netizens tungkol sa pinag-uusapang episode.

Lily Cruz is Back! 💚 #WildestComeback #LoveLiveLily #Wildflower

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

Kaya naman todo-todo at talaga namang abot-langit ang pasasalamat ni Maja sa mas tumitindi pang suporta ng mga manonood lalo pa’t mas umariba ang Wildflower sa national TV ratings.

Mula sa national TV rating na 33.8% noong Lunes (Oct. 9) ay mas tumaas pa ang ra­ting nito noong Martes at pumalo sa panibago nitong all-time high national TV rating na 35.2%. Masasabing isa na ito sa pinakamalakas na programa sa 6 p.m. timeslot dahil sa lakas ng natamo nitong viewership Doble ang ratings nito kumpara sa kalaban na may 17.1% lamang, base sa datos ng Kantar Media.

“Thank you Lord! Siya ito lahat. Proud ako sa aking Wildflower family sa lahat ng cast, writers, creative team, directors, staff, at crew. Saludo ako sa kanilang lahat. Sulit lahat ng pagod at puyat namin,” say ni Maja.

Bukod sa top-rating, trending din sila sa Twitter worldwide. At aminado si Maja na mas nakakaramdam siya ng pressure ngayon.

“Hindi mawawala ‘yun. Kailangan may takot ka palagi para ma-challenge mo ang sarili mo. Huwag makampante lang. Always give your best,” paliwanag niya.

Para kay Maja, mas matapang ang karakter niya ngayon bilang si Lily.

“Mas matapang siya kay Ivy. Mas palaban siya dahil nakalaya na siya bilang Lily Cruz. Pero makikita niyo rin na mas may puso siya sa kanyang pamilya at sa mga tao,” sagot ng Wildflower star.

 Well, tuluyan na nga kaya niyang mapabagsak ang mga Ardiente? Sino si Red Dragon? Kakampi ba siya o kaaway?