Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja, Nadine may tsismis kina James, Rambo

0 438

Pinagpipistahan ang swimwear photo nina Maja Salvador at Nadine Lustre. Magkasama sila sa swim essentials campaign ng isang produkto.

Hindi maiaalis na ikumpara ang porma ng dalawa. Patalbugan daw sila sa kanilang sexy outfit.

Iniintriga rin ang mga pose nila.

Tanong ng netizen ano raw ang sinasabi ni Maja kay Nadine?

Pinagbubulungan daw kaya nila sina Rambo Nunez at James Reid na naugnay sa buhay nila?

Maraming istorya ang puwedeng gawin at katanungan sa mga lumalabas na larawan. Depende lang sa interpretasyon ng mga nakakakita.

Pero ang bottomline nito parehong panalo ang kanilang kaseksihan at alindog. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.