Abante Tonite Interactive

Maja nagparunggit sa aktres

1,635

Iba rin ang alindog at kariktan ni Janella Salvador, huh! Matapos kong mapanood ang video clip nila ni Joshua Garcia parang gusto kong manalig na lumalaban siya sa pagiging bukod tanging babaing pinagpala sa lahat.

Sa masayang “The Killer Bride” cast party, agaw eksena ang pagdating ni Garcia habang ang dalagang marikit ay umaawit. May dala itong mga bulaklak, lumuhod pa at inalay ito kay Salvador. Maya-maya, nagsasabayang awit na sila na talaga namang one-hundred-percent saccharine moment.

May mga dramang magkadikit ang kanilang pisngi, malambing ding ang pagkuyapit ni Joshua sa baywang ni Janella. Parang may attempt pang bumeso o may binulong nga lang ba ang binata sa dalagang feeling mayumi, huh.

Ang Pambansang Harot, si Maja Salvador na siyang bida sa thriller-drama series na magkakasama silang tatlo, isa sa mga saksi sa ka-sweetang kaganapan, may birong totoo at puwede na ba nating sabihing parunggit kay that girl?

Ang emote ni Bb. Maja: “Kaka-push ko. Maa-unfollow ako nito.” Juice colored! Alam na alam mo na kung sino ang may bisyo sa kasalukuyang mag-unfollow, hindi ba naman? Hindi na dapat pang kabisaduhin na kahit ang mga kapwa niya artista eh napagtanto na ang kanyang paboritong pampalipas oras.

Janella namamangka kina Joshua, Markus

Ang tanong, hindi ba, usap-usapan na si Janella ay nakipagmamabutihan na sa isa pang relatively young studlet, kay Markus Paterson? Sa sweetness overload na ipinapakita nila ni Joshua, magseselos na naman kayang muli ang binatang best in English at hindi rin naman pahuhuli kung paguwapuhan ang laban?

Of course ang lamang ni Joshua, he is the bigger and brighter star at si Markus eh parang palagi na lang nag-uumpisa at nagpaparamdam?

Sumasakay nga lang ba ang dalagang may hinhin na tangi at dakilang ganda para mapag-usapan at para matukdukan na rin ang persepsyon na aandap-andap ang kanyang karera?

Ang landian ba ni Janella kay Joshua eh for reel? Ang totoong relasyon ay kay Markus? Pwede na ba nating sabihin na si Salvador eh namamangka sa dalawang hombre o dahil nga she is a millennial having the time of her life, karapatan naman niyang to collect and collect at sa tamang panahon ay mag-select?

Sa true lang, ang ganda-ganda mo Janella Salvador, parang ang sarap mong gurlisan. Charot! Hahahaha!

Julia nilinis ang kalat kay Gerald

Kahit pa nga ibinuyangyang ni Julia Barretto sa Instagram ang kanyang hulmadong tiyan, parang walang pakialam masyado ang madlang pipol sa kanyang let’s get physical na paandar.

Ang mga dalahira, hitad at katkatera, mas pansin na pansin at mas mausisa sa kanilang pakiwari ay mas “revealing” na mga bagay-bagay na kanyang ginagawa sa kanyang IG account.

Nililinis na nga ba ni that girl Barretto ang mga kalat niya sa kanyang buhay? Maiinam na halimbawa sa kanyang paglilinis, deleted na ang lahat ng mga larawan ni Joshua Garcia sa kanyang account.

Pangalawa, maliban sa mga promo photo nila ni Gerald Anderson para sa pelikula nilang dalawa na luhaan sa takilya, wala kahit anino o aninag ni Anderson ang masisilayan pa sa kanyang social medium of choice.

Spring cleaning na ba ang ginagawa ni that girl Julia? Starting fresh and moving forward na nga ba talaga siya? O nagmamalinis siya kasi nga may pelikula siyang ipapalabas at kailangan niya itong gawin alang-alang sa promo?

Si Joshua Garcia nga, go for gold ang lanturan kay Janella Salvador at parang hindi nag-aalala na makaka-apekto ang bagong kabanatang ito sa kanilang pelikulang pinagsamahan ni Barretto.

Eh bakit si Julia, parang apektadong-apektado? Nagtatanong at kunyari, takang-taka, huh!