Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja nilampaso ni Kim

0 130

NI: ARCHIE LIAO
Dahil paboritong i-post ng local celebrities ang pagrampa sa beach in their sexy outfit, di pahuhuli si Maja Salvador.

Ipinasilip niya sa kanyang IG post ang kanyang litrato in her two-piece swimsuit habang nagtatampisaw sa dalampasigan.

Marami ang nakapansin sa pagtaba ng aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit nila, kung hindi man maituturing na tabatsina, nawawala ang kurba ng dating queen of dance floor.

Sey naman ng ilan, hiyang daw kay Maja ang lovelife kaya lumulusog ito.

Anila, wala namang kailangan pang patunayan pa ang SNL host dahil secure siya sa kanyang lovelife lalo’t alaga siya ng kanyang boyfie na si Rambo Nunez.

May ilan namang nagmamalditang netizen na nagsabing tinalbugan na ni Kim Chiu (na dating patpatin) hindi lang sa dance floor ang aktres kundi sa kaseksihan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.