Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja , Rambo ‘live-in’ na

0 176

Marami ang naaliw sa epic tour ni Maja Salvador ng magarbong penthouse ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nunez.

Ipinakita niya ang living room, terrace, entertainment area at pati bedroom nito sa kanyang vlog sa Youtube channel.

Mamahalin din ang furniture nito na dinisenyo pa ng mga de-kalibreng interior designers.

Sosyalin din ang fancy penthouse dahil equipped ang door nito ng fingerprint scanner.

Pansin pa ng mga netizen,kabisadong-kabisado raw ni Maja ang bawat sulok ng bahay.

Kampante rin kung i-display ito na parang pag-aari na nilang dalawa ang nasabing penthouse.

Sey pa nila, suwerte raw si Maja sa boyfie dahil super rich nito at puwede nang mabuhay na marangya ang aktres kahit hindi na mag-showbiz.

Pang-iintriga pa ng mga nakasilip, ito raw ba ang love nest ng showbiz couple?

May ibang nangi-intriga rin na marahil ay nagli-live in na ang dalawa.
Ano ba ang real score sa tsikang ‘yan? ARCHIE LIAO

Leave A Reply

Your email address will not be published.