Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja, Rambo nangangamoy kasalan

0 132

Ang kanyang karera, na kanyang naging prioridad noon, ang itinuturing ni Maja Salvador na pangunahing salarin, kaya naghiwalay ang de kolor at puti nila ni Rambo Nunez.

Ngayon, mas alam na alam na ni Salvador ang lahat. At siya at si Nunez, ay nasa mas masayang estado, lalo na sa mga usaping puso at kanilang pagmamahalan,

Oo, may gagawing pa rin siyang mga proyekto para sa network na kinabibilangang niya sa kasalukuyan. Pero dahil mas emotionally mature na si Maja, kaya na niyang balansehin ang mga usaping romansa at karera. Hindi na siya nagmamadaling patunayan na she matters sa industriya. May best actress trophy na siya. At sa larangan ng telebisyon, may mga palatanuntunan siyang talagang pinanood, yinakap at sinusuportahan.

Kaya sa kanyang IG post kung saan sa larawan nila ni Rambo, malambing siyang hinahalikan sa kanyang crowning glory, marami ang kinilig sa display of affection.

Ang kuda ni Salvador: “I wanna be with you. That’s all I ever wanted.” Awwww….. saccharine expression indeed!

Nakakatuwa rin ang pagbabahagi ni Maja na masaya na her life is not as chaotic and hectic as before kayo may TLC moments sila ni Rambo at ang you and me time example niya ay ang Netflix romantic drama na kanilang paborito. Susunod na kabanata na nga kaya ang here comes the bride, all dress in white ni Salvador? For sure she will make a stunning bride at sobrang deserving nila ni Rambo na magka-happily ever after.

Sila kaya ang inspirational couple na nagpatotoo na love is indeed lovelier the second time around, hindi ba naman?

Kaya nga, ngayon pa lang, batiin na natin ang magsing-irog, “mabuhay ang bagong kasal!”

Catriona, Vico posibleng kuyugin

SM food to go Banner Ad

Sino-sino naman kayang mga dalahira at katkatera ang kukuyog kina Catriona Gray at Vico Sotto?

May makahulugang pahayagan kasi ang Philippines’ Fourth Miss Universe tungkol sa issue on women being not fit to be leaders: “I don’t think your capacity to be a leader is determined by your gender. I think is defined by the capabilities, skills and talents that you have, your experience and your character. I think all of those play part to be a good leader, it is not dependent to one’s gender at all.”.

Eh ang pagkapili ng US Department of State kay Victor Maria Regis N. Sotto na mas minahal nating lahat Pasig City Mayor Vico, na isa sa labing dalawang kinilala bilang International Anti-Corruption Champions, kamusta naman ang reaksyon ng mga fantard at troll sa kaganapang ito.

Ang paliwanag kung bakit si Sotto ang isa sa mga pinili: “A standard bearer for a new generation of Philippine politicians who prioritize anti corruption and transparency initiatives, during election campaign and in office.”

Siguradong proud parents sina Bossing Vic Sotto at Madam Coney Reyes sa karangalang tinanggap ni Vico.

Sa gayon, hindi ko maiwasang magtaka kung gaano katindi ang mga pag-atake na ibabato kay Vico. Kasi nga ang pagkilalang ito ay maihahalintulad sa isang malakas na sampal para sa mga hindi niya kaalyado.

Xian, Gray payanig ang pagsasama

Si Catriona ay magiging host sa nalalapit na Binibining Pilipinas pageant at co-host niya si Xian Lim. Abangan natin ang mga gown na isusuot niya. Tingnan din natin kung may chemistry sila ni Alexander at baka we might see a new powerful partnership.

 

Leave A Reply

Your email address will not be published.