Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja sinapawan ni Willie

0 784

Nang ianunsyo ni Maja Salvador through her Crown Artist Management (CAM) talent agency na contract artist na nila si John Lloyd Cruz, buong akala ng balana ay magiging busy na ang actress sa bago niyang role bilang manager.

Na-imagine nga ng ilan na upon assuming her new responsibility, she will be rubbing elbows with network executives sa pakikipag-negotiate sa mga projects ni Lloydie.

But now, it seems na mas aktibo ang papel ng Wowowin host na si Willie Revillame sa karera ngayon ni John Lloyd.

Siya na ang sinasabing may pakana sa planong pagtatambal ng aktor at ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa isang sitcom para sa GMA-7.

Dahil dito,nasapawan na niya si Maja sa kanyang role bilang manager ni Lloydie.

Dahil all is quiet din sa kampo ni Maja, may ilang dudoso sa tunay na papel kiti ng actress sa pamamalakad ng career ni John Lloyd.

Anyway importante rin na nadiyan si Maja bilang manager para siya ang makipag-negotiate sa TF ni Lloydie. Hindi rin kasi maganda kung si JLC mismo ang makikipagtawaran at makikipag-usap sa presyo niya.

@@@

Kim nagkalat nang malasing

May hindi makakalimutang experience si Kim na ibinahagi niya sa kanyang vlog kamakailan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumalang kasi ang chinita princess sa “Truth or Drink challenge” kung saan kailangan niyang sagutin ang mga tanong sa kanya sa abot ng kanyang makakaya at nang buong katotohanan.

Kung sakali namang iiwasan niya ang pagsagot sa tanong, wala siyang choice kundi kailangan niyang inumin ang iba’t-ibang klase ng likido na inihanda para sa nasabing challenge.

Kasama sa mga likidong ito ang suka, toyo at iba’t-iba pang klase na kakaiba ang lasa.

Sa course ng challenge, napilitang pumiyok si Kim nang matanong siya kung nasubukan na ba niyang magkalat sa bahay ng iba.

Ayon kay Kim, bihira siyang uminom at malasing at ito ay tuwing kaarawan lang niya at espesyal na okasyon tulad ng Pasko.

Hindi naman ikinaila ng aktres na nagkalat na raw siya nang malasing siya sa isang okasyon na pinuntahan niya.

Aniya, nagsuka raw siya dahil sa dami ng nainom niya noon.

Dahil sa kalanguan, hindi na rin niya na-kontrol ang kanyang ginagawa.

Nangyari raw ang kanyang nakakahiyang karanasan sa bahay mismo ng isa sa mga executive producer ng ABS-CBN na si Deo Endrinal.

Humingi naman daw siya ng sorry pero matagal din bago siya naka-get over sa nasabing karanasan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.