Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja umiyak nang unang mabuntis si Janella

0 102

NI: VINIA VIVAR

Isa si Maja Salvador sa mga unang-unang nakaalam na buntis si Janella Salvador. Naging close kasi ang dalawa simula nang magkasama sila sa teleseryeng Killer Bride.

Ayon kay Janella sa tsikahan nila ni Maja for Star Magic’s YouTube vlog, maya’t maya ay ina-update niya ang kaibigan.

“Every step, nandoon ka, in-update kita. Grabe ‘yung feeling na alam kong may life akong nabuo, may kini-carry akong life, it’s such a big thing.

“Kasi when I was pregnant, hindi ko alam parang hindi pa nagsi-sink in agad sa akin na totoo na talaga. But now that he’s here, grabe ‘yung realizations ko.

Totoo nga ‘yung sinasabi ng mga mom na the moment you see his or her face mawawala lahat ng sakit,” sabi ni Janella kay Maja.

Ayon naman kay Maja, nasaksihan niya mismo kung gaano ka-happy si Janella nang malaman nito na buntis siya.

SM food to go Banner Ad

“Sabihin ko lang kung paano niya kinuwento sa akin, ganyan na ganyan. Walang nadagdag, walang nabawas. ‘Yang joy sa mata niya, ‘yang ngiti niya, ganyan. ‘Yung parang nandoon nga raw ‘yung kaba pero silang dalawa, iba ‘yung joy na na-feel nila. Pero kasi, iba talaga ‘pag in love,” ani Maja.

Ini-reveal din ni Janella na napaiyak pa si Maja nang sabihin niyang preggy siya.

“Ay naku isa ka sa best in reaction. …Pero, ikaw, ikaw umiyak ka,” sey ni Janella.

Sagot naman ni Maja, “Akala mo ano anak na anak? Kasi kakatapos lang naman kasi ng ‘Killer Bride’ that time. So feeling ko, nandoon pa rin ang pagka-Camila ko.”

Sey naman ni Janella, “Sabi ni Ate Maja, ‘Wait lang naiiyak ako.’ Narinig ko siya sa phone.”

Pero sobrang humanga si Maja sa pagiging matapang ni Janella na harapin ang lahat.

“Natutuwa ako na ang strong mo. Hindi ka natakot. Nakakatakot pero naging brave ka kasi alam mo ‘yun, alam mong isang blessing ‘yung ibinigay sa inyo, ‘di ba?” sey ni Maja.

Leave A Reply

Your email address will not be published.