Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja umutot sa swimming pool

0 720

Sumalang sina Maja Salvador at Empoy Marquez sa usong-uso ngayong “Never Have I Ever” challenge na talaga namang riot ang naging resulta dahil kung puro nakakatawa at kung anik-anik ang question.

Si Maja ang guest ni Empoy sa nasabing challenge para sa YouTube vlog ng komedyante at napaka-natural ng mga sagot nila. Nag-vlog sila habang naghihintay daw sa taping ng Nina Nino sa TV5.

Unang tanong ni Maja kay Empoy ay kung na-jebs na ba ito sa pantalon.

“I have,” pag-amin ni Empoy. High school pa lang daw siya noon, aniya, “alam mo ‘yung nakasilip pa lang? Hindi siya bumuga.”

Tanong naman ni Empoy kay Maja, “never have I ever na naihi sa higaan?”

Pag-amin ni Maja, noong bata siya ay oo naman.

“Eh kaso nga, ‘yung energy ko, walang katapusan ‘yung energy ko. So nun’g bata ako pag natutulog ako, ayun, nakakaihi ako sa ano, pero ano na ko no’n, 11 (years old),” paliwanag ni Maja.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa bandang huli ay tinanong ni Empoy si Maja kung umutot na ba ito sa swimming pool.

“Acidic kasi ako, eh. May gastroenteritis ako. So, laging nagtataka si Rambo (Nunez, her boyfriend) bakit bumubula,” pag-amin ni Maja.

“May bubbles ‘yung pool n’yo?” tanong ni Empoy.

“Oo,” sagot ni Maja.

Dagdag pa ng aktres, “so, kung minsan, kunwari, punch champagne or white wine, after no’n, parang napa-fart ako.”

Hindi naman daw maiiwasan talaga ‘yun minsan sa pool pero siyempre, para hindi halata ay hahaliwahin mo ang tubig.

Naaliw naman ang mga netizen sa vlog at komento nga nila, sumakit daw ang tiyan nila sa kakatawa. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.