Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maja walang ingay ang serye

0 854

ROMMEL PLACENTE: Ang ex couple pala na sina Maja Salvador at Gerald Anderson ang dapat na magkapareha sa ongoing serye ng Kapamilya network na Init Sa Magdamag.Kaya lang, nang ialok ito kay Maja para makatrabaho si Gerald ay tinanggihan niya ito. Ito ang dahilan kaya napunta ang role niya kay Yam Concepcion. Sa isang interview kay Maja, sinabi niyang inisip daw niya ang relasyon nila ng boyfriend na si Rambo Nunez. Ayaw raw niyang maintriga ito pag makikipagtrabaho siya kay Gerald. Ayon pa kay Maja,noon daw ay priority niya ang work. Nakikipag- kissing at love scene siya na hindi iniisip ang nararamdaman ng karelasyon.

Sa tingin ko mga ka-Cuatros,dapat maging understanding si Rambo, di ba? Artista si Maja, kaya dapat niyang intindihin kung gagawa man ito ng isang proyekto na makakasama si Gerald.

MILDRED A. BACUD: Speaking of Maja mga ka-Cuatros, bakit nga ba hindi pinag-uusapan ang kanyang serye sa TV 5? Kung hindi ko pa nga narinig kay social media influencer na si Sachzna Laparan na kasama sa seryeng ito ay hindi ko malalaman.

Malaking artista na si Maja pero hindi pinag-uusapan ang serye niya ngayon. Kumpara nu’ng nasa Kapamilya pa siya at bumida sa Wildflower at Killer Bride.

Ano nga ba talaga ang kulang ng TV5? Mahina kasi sila sa social media.Hindi sila nagti-trending. Kahit ang views nila sa YouTube ay hindi ganun kalaki. Kapag ganun, hindi masyadong maganda ang impact.

Kaya hindi nakakapagtaka kung bumalik din sa Kapamilya si Maja. What’s next after ng series na ito ng aktres?

SM food to go Banner Ad

RODEL FERNANDO: Talagang di maramdaman ang teleserye ni Maja. Para ngang pakonsuwelo lang sa dalaga na bigyan siya ng show dahil nga sa hindi na nga sya nakabalik sa Kapamilya Network. Kahit ano pa ang gawin mukhang mahihirapan na bumongga ang ratings ng show niya.

Saan ba ang problema gayong maganda naman daw ang istorya nito at okey naman ang casting? Si Maja naman ay ibinubuhos ang lahat sa mga proyekto niyang ginagawa. Sana pag-aralang mabuti kung paano mailalapit sa tao ang kanilang show.

ROLDAN CASTRO: Bakit ang teleserye ng Kapamilya na pinapalabas sa Singko, pinag-uusapan gaya ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba” at “Init sa Magdamag.” Mukhang kailangan pa ng matinding push sa ‘ Niña Niño’ dahil napag-iiwanan.

Pero hindi naman pahuhuli ang pasiklab ni Maja.Pasabog ang pictorial at mga pahayag niya sa Mega Entertainment PH.

Ang ilang seksing larawan at mapangahas na pictorial niya ay may patikim din sa kanyang Instagram account. Napaka-social, winner ang dating,huh!

Pak na Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.