Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Majoy masiba sa balut

0 321

Isa sa sikreto ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mary Joy ‘Majoy’ Baron ang pagkain ng ‘balut’ kaya gaya ng matandang kasabihan ay malakas ang kanyang tuhod.

Sa Instagram story kahapon ng 24-anyos, may taas na 6-0 na F2 Logistics Cargo Movers player, binahagi niya ang pagkahilig sa exotic food.

Related Posts

Pinakita ng middle hitter-middle blocker ang pagbiyak sa shell at binalandra ang `sisiw’ at buong pagmamalaking nilantakan lang sa isang iglap.

“Grew up eating balut kaya never ko naisip na kadiri siya. Hehe share ko lang,” caption ng dalaga. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.