Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Majoy nagsasariling sikap

0 252

Habang bawal pa ang team training ng ilang contact sports gaya ng volleyball sa panahon ng quarantine o lockdown sanhi ng COVID-19 pademic, nagsariling sikap na lang muna si Philippine SuperLiga (PSL) Mary Joy ‘Majoy’ Baron.

Ginagawa ito ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker/middle hitter sa pamamagitan ng pagtapat sa pader at kinakayang mag-isa na pagsabayin ang pag-receive, set at spike ng bola.

Hindi na ito bago sa 24-anyos, mas taas na 6-0 na dalagang balibolista dahil sa mga nakaraang IG story makikita ring sumasabak siya sa kagayang home workout.

Nakatengga pa ang former national women’s indoor volleyball team member dahil sa bawal pang magpractice ang maraming sports dahil sa pandemya . (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.