Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makabayan bloc hinirit manual-automation election

0 102

Itinutulak ng Makabayan bloc ang pagkakaroon ng manual-automation election system sa bansa para masiguro umano ang maayos at transparent na pagbibilang ng mga boto.

Sa House Bill 8644, tinukoy ng grupo ang mga problema at kakulangan sa automated election na dahilan kaya nawawalan ng kredebilidad ang eleksiyon.

Kabilang umano dito ang pangingialam sa source code, pag-hack, pagmamanipula ng mga boto, at kawalan ng scan at ultraviolet security.

“The proposed bill aims to provide a solution to the problem: It will retain the speed of automation in the canvassing process where large scale fraud and delay normally takes place, but will institute a manual voting process in the precinct level to verify and validate the results of the automated canvassing process,” ayon sa Makabayan bloc na kinabibilangan Rep. Nina Carlos, Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, France Castro, Arlene Brosas at Sarah Elago. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.