Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makabayan bloc muling hinamon ni Badoy

0 211

Muling iginiit ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Social Media at Sectoral Concerns ang kanyang hamon sa mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso at militanteng grupo na kung talagang tinatawag nila ang kanilang mga sarili na tagapagtanggol ng karapatang pantao ay dapat nilang itakwil ang mga kasamaang gawain ng komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democractic Front ( CPP-NPA-NDF).

“Ang kanilang katahimikan ay nakakabingi na. Bakit sila nananahimik? ani Badoy sa lingguhang balitaan via zoom ng NTF-ELCAC.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan ang ulat na 1,506 ang kanila nang naitatalang mga krimen ng CTG sa loob lamang ng nakaraang sampung taon.

“I challenge Caloy Zarate, Sara Elago, Eufemia Cullamat, Arlene Brosas, France Castro, Ferdinand Gaite, na kondinahin ang mga krimen na ito na ginawa sa ating mga kababayan. They’re self-professed defenders of the Filipino people. That’s what they tell us they are. Iyon ang kanilang claims ‘di ba? paliwanag ni Badoy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.