Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makabayan bloc palaban kahit nalagasan

0 62

Titiyakin ng Makabayan bloc na sosoplahin nila ang posibilidad na magiging rubberstamp na naman ang Kamara ng bagong administrasyon.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, malaki ang posibilidad na magiging sunod-sunuran na naman ang kapulungan sa kumpas ng bagong administrasyon at ito ang pinaghahandaan ng kanilang grupo.

Ang ACT kasama ang Kabataan at Gabriela ang nalalabing party-list na bumubuo ng Makabayan bloc matapos na sila lamang ang nakakuha ng upuan sa papasok na 19th Congress batay na rin sa resulta ng halalan. Hindi nakakuha ng upuan ang Bayan Muna.

“We, together with Kabataan party-list and Gabriela Women’s Party of the Makabayan bloc will be voices of dissent in a chamber that will most likely be a rubber stamp of the incoming administration,” ayon pa kay Castro. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.