Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makabayan Bloc tinalikuran kapakanan ng mga tribu

0 73

HININGI kahapon ang pagbibitiw nina Bayan Partylist Rep. Eufenia Cullamat at mga miyembro ng Makabayan Bloc sa kongreso dahil sa kanilang pagtalikod sa pangakong isusulong ang mga kapakanan ng mga tribu ng mga Indigenous People(IPs).

Sa lingguhang virtual na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, sinabi ni Datu Rico Maca , Municipal Indigenous People Mandatory Representative ng San Miguel, Surigao del Sur, na bagamat nabibilang si Cullamat bilang IP dahil ito ay taga-Manobo Tribe, bigo naman ito sa bilang kinatawan ng IP at sa halip ay nakikipagsabwatan pa ito kasama ang Makabayan Bloc sa mga pagpaslang sa mga lider ng mga tribu na sumasalungat sa mga agenda ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) agenda.

“Inaasahan namin magiging boses siya (Cullamat) ng aming mga tribu. Naging iba ang resulta. Inasahan namin si Cullamat. Walang plano sa kapayapaan at sa aming mga kabataan,” ang paliwanag ni Datu Maca.

Sa katunayan aniya, mayroon ng 126 resolusyong ipinasa ang kanilang mga tribu na kasapi sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous People (ICCs/IPs) na si Cullamat ay ‘persona non grata’ na sa kanilang mga ancestral lands.

“Sana mag-resign na siya. Siya ang anay ng aming mga kabataan. Siya ang basura. Kung tinawag niya si Gen. Parlade na basura.. Siya ang totoong basura. Di na siya mapakinabangan ng aming mga tribu,” ang sabi pa no Datu Maca.

Sinusugan naman ito ni Gaye Florendo, NTF ELCAC Assistant Spokesperson for Public Affairs at Indigenous Peoples Concerns at iginiit na ang mga resolusyon ng mga tribu ay patunay na hindi na paloloko pang muli ang mga IP kina Cullamat at Makabayan Bloc sa Kongreso.

“Ito ay talagang panawagan nila na magsi-resign na” sila Cullamat at mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Bunga ng mga ganitong pahayag, nauubos na ang suporta ng CPP-NPA-NDF sa mga kanayunan at malalayong barangay ng mga IP lalo na sa mga lugar ng Northern Mindanao at Caraga Region.

Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP), Maj. Gen. Romeo S. Brawner Jr., commander ng Army’s 4th Infantry Division (4ID).

“Sa nakikita po namin ay sawang-sawa na din ang ating mga kababayan dito sa mga ginagawang mga krimen ng members ng New People’s Army. Tuloy pa din kasi yung ginagawa nilang extortion, arson, murder, at iba pang mga krimen ng NPAs. Lalong lalo na itong pagrecruit nila ng mga bata, which is against the International Humanitarian Law and the Republic Act 11188 or the Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict,” ang sabi ng opisyal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.