Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makabayan: Pag-atake ng Israel sa Gaza kondenahin

0 339

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc upang himukin ang Kamara na kondenahin ang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Sa House Resolution 1789 na inihain nina Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Sara Jane Elago, hiniling din ng mga ito na kondenahin ng gobyerno ng Pilipinas ang pag-atake.

SM food to go Banner Ad

Nagsagawa ng air strike ang Israel sa Gaza matapos ang serye ng protesta ng Palestino na binubuwag ng mga Israeli police.

Hanggang Mayo 14, nasa 126 na umano ang namatay sa Gaza at 950 ang nasugatan. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.